Ciara Sotto na-trauma na sa pag-ibig: Kaya nag-iingat na po ako, ayoko nang biglaan, ayoko nang basta-basta lang | Bandera

Ciara Sotto na-trauma na sa pag-ibig: Kaya nag-iingat na po ako, ayoko nang biglaan, ayoko nang basta-basta lang

Ervin Santiago |November 27,2022
facebook
share this

Ciara Sotto na-trauma na sa pag-ibig: Kaya nag-iingat na po ako, ayoko nang biglaan, ayoko nang basta-basta lang

Ervin Santiago - November 27, 2022 - 09:43 AM

Ciara Sotto na-trauma na sa pag-ibig: Kaya nag-iingat na po ako, ayoko nang biglaan

Mariel Rodriguez, Ruffa Gutierrez at Ciara Sotto

NA-TRAUMA pala talaga ang actress-singer na si Ciara Sotto sa pakikipagrelasyon kaya naman ingat na ingat na raw siya ngayon pagdating sa usaping pag-ibig.

Ayon kay Ciara, talagang ingat na ingat na siya sa pagpili ng lalaking mamahalin kaya naman hindi na niya minamadali ang pagkakaroon muli ng lovelife.

Taong 2016 nang maghiwalay sila ng kanyang ex-husband na si Jo Oconer. Biniyayaan sila ng isang anak, si Vincenzo Xose o Crixus na 7 years old na ngayon.

Napawalang-bisa ang kanilang kasal noong 2019. Kasunod nito, nakarelasyon naman ng anak nina Tito Sotto at Helen Gamboa ang Filipino-American na si Ian Austin.

Tumagal naman ang kanilang relasyon ng mahigit dalawang taon. Walang ibinigay na rason si Ciara kung bakit sila naghiwalay pero inamin niya na naapektuhan ang kanyang anak sa breakup nila ni Ian.

“I had to tell him lang straight. Actually very casually. I did it very casually parang dina-downplay ko nang kaunti. Pero medyo nalungkot siya. Nakita ko talaga na nalungkot siya.

“So sabi ko, ‘It’s always been you and me, right?’ I mean lagi kong sinasabi ko sa kanya na ‘all I need is Crixus.’ Tapos sasagot siya na ‘all I need is mama.’ So parang ‘right?’ ginaganu’n ko siya,” paliwanag ni Ciara sa isang panayam.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ciara Sotto (@pinaypole)


Sa mediacon naman ng bagong TV show ng aktres at singer sa ALLTV Channel, ang “M.O.M.S.” (Mhies on a Mission), inamin nga niya na may trauma pa rin siya sa pag-ibig.

“Yes po, meron pong trauma, meron po talaga. Kaya nag-iingat po talaga ako. Ayoko nang biglaan or…ayoko nang basta-basta, di ba? ‘Yung nakilala mo lang. Kasi may trauma po talaga ako,” pahayag ni Ciara.

Ano nga ba ang mga qualities na hinahanap niya ngayon sa isang guy para mahalin at pagkatiwalaan niya sa kabila ng mga pinagdaanan niya sa pakikipagrelasyon?

“Mabait, matino, mamahalin ang anak ko at magugustuhan ng family ko. ‘Yun lang,” ani Ciara.

Sa tanong kung payag pa ba siyang magpakasal ulit, tugon ng pole dancer at instructor, “I really don’t have an answer to that, I don’t know.”

Ang siniguro lang ni Ciara ay super happy siya kahit single kasabay ng pagdedenay sa tsismis na kumakalat na may namamagitan daw sa kanila ng professional basketball player na si James Yap.

Samantala, magsisimula na ang “M.O.M.S.” sa darating na Lunes, November 28, 11 a.m. sa ALLTV 2 kung saan magsasama-sama nga ang celebrity mommy na sina Ciara, Ruffa Gutierrez at Mariel Padilla.

Sey ni Ciara, “This is another milestone in my career since it is my first time to do a talk show and I take this as a challenge to learn new things. It is also overwhelming to work with two amazing mothers and hosts.”

Sabi naman ni AMBS President Maribeth Tolentino about the new morning show of ALLTV, “We’re very excited kasi this is the first show produced by ALLTV. Buong buhay ngayon lang ito namin ginawa. You know that the Villar Group of Companies is into real estate. Now we venture into the broadcast or network industry. Inaabangan talaga namin itong M.O.M.S.”

Ciara Sotto sa mga may partner na cheater: Ihatid mo sa pintuan palabas, sipain mo pa!

Andi ibinandera ang wagas na pagmamahal kay Philmar

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ciara Sotto wala pa ring swerte sa lalaki, hiwalay na sa dyowang Fil-Am

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending