Christian Bables napikon na sa 'kamangmangan' ng mga Marites: To set the record straight, TOMBOY po ako | Bandera

Christian Bables napikon na sa ‘kamangmangan’ ng mga Marites: To set the record straight, TOMBOY po ako

Reggee Bonoan |November 27,2022
facebook
share this

Christian Bables napikon na sa ‘kamangmangan’ ng mga Marites: To set the record straight, TOMBOY po ako

Reggee Bonoan - November 27, 2022 - 12:47 AM

Christian Bables napikon na sa 'kamangmangan' ng mga Marites: To set the record straight, TOMBOY po ako
MUKHANG hindi na nakapagpigil si Christian Bables sa mga Marites na patuloy pa rin siyang ini-isyuhang bakla kahit umamin na siya na lalaki siya pero bukas naman siya na ma-attract sa same sex.

Ngayong Sabado ng hapon ay tila napikon na siya dahil base sa post niya sa kanyang Facebook account para sa mga marites na patuloy pa rin siyang hinuhusgahan.

Aniya, “Hi FB supporters and followers, please allow me to address this very cheap ‘kamangmangan’ issue once and for all. Some will say na sana I keep silent about this nalang, but nope. This senseless pattern has to stop.

“Nakakatawang interesadong interesado kayong mga marites na malaman kung ano ba ang ‘tunay na gender’ ko, na para bang parte ‘yun ng bawat pag hinga at pag utot niyo.

Dagdag pa ni Christian, “Ok to set the record straight, TOMBOY po ako. Kung hindi pa kayo maniwala, ewan ko nalang mga hinayupak kayo. I was asked once. I answered politely. Then may question pa din? Gagu ba kayo?

“Kidding aside, mami naman! 2023 na! Sana mag evolve kasama ng panahon ang brains natin. What you’re doing, my friends, is GENDER STEREOTYPING. Ibig sabihin naka kahon parin kayo sa nakaugaliang standards ng kung ano “lang” dapat ang kilos at itsura ng lalaki at babae. Salot yan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Christian Bables (@christiaaan06)

“This will be the LAST time na papatulan ko ang kamangmangan na ito. Let’s put it this way, WHAT YOU SEE IS WHAT YOU GET. Don’t ask for an explanation ‘coz the world doesn’t revolve around you and your ego. Basta, wag kakalimutang rumespeto. Piliing umunawa kesa sa makapanakit.

“Imagine how excruciating it is for someone to be mocked and to be made a laughing stock, just because of how they look and their made up as a person na hindi pumasa sa standards at ego ng mga kagaya mong utak munggo. Itigil mo ‘yan. Para bago ka mamatay, fresh ka gagu (emoji laughing face),” h

Mas magandang pag-usapan na lang daw ang pagiging aktor niya lalo’t lahat ng karakter na ginagampanan niya ay ibinibigay niya ang lahat para mapansin siya ng lahat at sa mga may duda pa rin at gusto niyang pukulin ng takong ng karakter na ginampanan niya sa isang gay movie niya.

“Now let’s talk about my craft as an actor, anong gagawin ko? Hindi ko nalang gagalingan sa mga roles na binibigay sakin para lang pumasok sa standards mo ng pagiging straight na animal ka? Nope. NEVER GONNA HAPPEN.

“Watch Signal Rock on Netflix. Andito pa ‘yung heels ni Barbs, ang sarap mong takungin sa cornea.

“At ang nakaka lungkot, mostly members pa ng LGBT community ang madalas mag stereotype at pilit nagpapa-out nu’ng mga “amoy” daw nila.

“Tangnang pang amoy yan, may sariling judgment. As if they’re saying “Ay hindi, kung out ako, dapat out ka din.” Sarap patakan ng kandila sa mata.

“One’s GENDER is none of anyone’s business, unless interesado kang pumasok sa buhay ng taong yun bilang girlfriend/boyfriend niya.

“ONE’S IDENTITY SHOULD NEVER BE EXPLAINED.

“Yang punto na yan ang gawin nating straight.”

Related Chika:
Christian Bables sobrang bilib kay Keempee: Ang dami kong natutunan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Christian Bables imposibleng ma-in love sa bading: My preference ay hindi po same sex…

Christian Bables kay Direk Jun Lana: Natatakot po ako sa kanya na nahihiya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending