Alex Gonzaga wapakels sa bashers: Why will I be affected with their jokes?
ISA ang TV host-vlogger na si Alex Gonzaga sa mga celebrities na madalas ma-bash sa social media gaya ng kanyang ate na si Toni Gonzaga.
Ngunit sa kabila nito ay inamin niya na hindi raw talaga siya naaapektuhan sa mga salitang ibinabato laban sa kanya.
Ito nga ay ibinahagi ni Alex sa isa pa niyang YouTube vlog na may title na “My Thoughts on my Miscarriage”.
Matatandaang kamakailan lang nang muli na namang mag-trending ang “Tropang LOL” host sa Twitter matapos nitong sabihin na okay lang gawing joke ng netizens ang nangyari sa kanyang miscarriage.
Saad ni Alex, “Miscarriage is such a sensitive topic, anything about fertility. Nalaman ko yan recently lang noong ako ay naka-experience ng miscarriage because sobrang dami pala ng couples or even ‘yung mga babae na ganito ang pinagdaraanan.”
At dito nga ay nabanggit niya ang kanyang haters na patuloy na ibinabato sa kanya ang hiqndi magandang pangyayari sa kanyang pagbubuntis.
View this post on Instagram
“Honestly speaking, hindi ako nahu-hurt but I couldn’t say it out loud na parang ‘Go guys, make fun of my miscarriage. I don’t care’ because there is so many people underwent and were undergoing ‘yung grief non na I want to be sensitive,” lahad ni Alex.
Pagkukwento pa niya, gusto lang niyang maging sensitive dahil may mga taong tulad niya na nakarananas ng ganoon at sa kanya humuhugot ng lakas.
“But kung tatanggalin mo ‘yung mga ‘yun, it’s really fine with me, make fun of it kasi hindi talaga ako nasasaktan,” pagpapatuloy pa ni Alex.
Isa rin daw sa mga rason kung bakit hindi siya nasasaktan dahil maganda ang mga sinasabi sa kanya ng doktor niya sa kabila ng nangyari.
“When I see mga tests, magaganda ang resulta. So bakit ako magpapaniwala sa mga tao na kung ano ano ang mga sinasabi about it and nagko-conclude na ganito ako, e hindi nga nila alam ang medical record ko. So why would I be affected with their jokes or with their opinion?” talak pa ni Alex.
Sey pa niya, ang nangyari sa kanya ay bligted ovum at wala talagang baby at heartbeat. Kumbaga, hindi natuloy na pregnancy.
“I never felt that I lost a baby, it was just a false alarm. I never expected to be pregnant because I don’t want to be pregnant yet but it made me realize na hindi mo ‘yun pinaplano. It’s all about God’s plan,” lahad pa ni Alex.
Noong una raw ay nalungkot sila ng asawa pero life goes on kaya ang tinitignan na lang nila ang brighter side ng nangyari sa kanila.
Related Chika:
Alex Gonzaga bumwelta sa netizen na gustong gawing joke ang kanyang miscarriage
Viral tweet ni Alex Gonzaga burado na, netizens bumanat: Kahit ayos na, di dapat i-delete
Cristy Fermin pinuna ang vlogs ni Alex Gonzaga: Kinakapos na po talaga sa content
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.