Herlene Budol naglabas ng hinanakit sa lola, binatikos ng netizens: 'Parang OA naman' Bandera

Herlene Budol naglabas ng hinanakit sa lola, binatikos ng netizens: ‘Parang OA naman’

Therese Arceo |November 25,2022
share this

Herlene Budol naglabas ng hinanakit sa lola, binatikos ng netizens: ‘Parang OA naman’

Therese Arceo - November 25, 2022 - 02:26 PM

Herlene Budol naglabas ng hinanakit sa lola, binatikos ng netizens: 'Parang OA naman'

TILA marami sa mga netizens ang hindi nagustuhan ang bagong update sa social media ng beauty queen-comedienne na si Herlene Budol.

Nag-post kasi ito ng larawan na nakapikit at nakahiga sa puntod ng kanyang yumaong lola na si Virginia Budol. Nakasuot pa nga siya ng kanyang pajama at tila nakayakap sa libingan ng kanyang lola.

“Nasumbong ko nang lahat kay nanay,” caption ni Herlene sa kanyang social media post.

Mukhang ang tinutukoy niya ang kanyang mga hinaing at hindi magandang karanasan noong sumali ito sa Miss Planet International 2022.

Matatandaang lumipad nitong buwan si Herlene papuntang Kampala, Uganda bilang representative ng Pilipinas ngunit noong nandoon na sila ay maraming problema ang nangyari at tila naloko at nalinlang siya at ang iba pang kandidata matapos makansela ang naturang beauty pageant.

Marami sa mga netizens ang hindi natuwa sa naturang update ng dalaga na nagsupt pa nga ng pantulog dahil masyado na raw “OA” at “halatang staged” ang mga larawan.

May mga nagsasabi ring baka publicity stunt lamang ito para pag-usapan si Herlene at makakuha ito ng simpatya mula sa madlang pipol.

“Parang OA naman yan pwede dasal at pasasalamat bat may ganun pa eh.. idol wag masyado OA. Idol kita kasi pag OA parang di maganda,” comment ng isang netizen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)

Saad pa ng isa, “TMI (too much information) you could have gone doing it without camera that would be realistic… don’t overdo it just to gain attention. You are already amazing for what you are, accept that.”

“Friendly advice hipon (Herlene)… wag po masyadong OA real talk lang… magpaprint ka n lng ng large pillow with your loveones pic para di ka mukhang tanga dyan,” dagdag pa ng isa.

Samantala, may mga nagtanggol naman sa dalaga at sinabing wala namang mali sa ginagawa nito.

“Sana makatulong ito para gumaan pakiramdam mo, Herlene maaring hindi ko man alam kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon pero gusto lang sabihin na makakaya mo yan. Malalampasan mo lahat yan, kasi ikaw na yata ang isa sa mga kilala kong super strong na babae. Alam ko na sapat ang pagiging strong mong yan para malagpasan ano man ang pinagdadaanan mo ngayon.” sey ng isang netizen.

Hirit naman ng isa, ”

Matatandaang minahal ng madlang pipol si Herlene dahil sa pagiging natural nito at pagiging masiyahin sa kabila ng mga pinagdaraanan sa buhay.

 

Related Chika:
Herlene Budol ready na sa Miss Planet International, hiling na makapasok kahit sa semi-finals

Herlene Budol lalaban sa 2nd Miss Planet International pageant sa Uganda: Naiiyak at nae-excite ako, parang panaginip lang

Miss Planet International kanselado na nga ba?

Herlene Budol umatras na sa Miss Planet International: ‘This is indeed a traumatic experience…’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending