Herlene Budol umatras na sa Miss Planet International: ‘This is indeed a traumatic experience…’ | Bandera

Herlene Budol umatras na sa Miss Planet International: ‘This is indeed a traumatic experience…’

Pauline del Rosario - November 12, 2022 - 11:20 AM

Herlene Budol umatras na sa Miss Planet International competition: ‘This is indeed a traumatic experience…’

PHOTO: Facebook/Herlene Hipon Budol

UMATRAS na sa laban ang ating pambato para sa Miss Planet International 2022 na si Binibining Pilipinas first runner-up Herlene Budol.

Kinumpirma ‘yan mismo ng kanyang talent manager na si Wilbert Tolentino sa isang Facebook post.

Ayon kay Wilbert, napagdesisyunan niyang alisin sa kompetisyon si Herlene dahil sa mga naging problema sa pageant organization.

Saad sa kanyang FB post, “Due to uncertainties by the organizers, I have decided to withdraw Herlene Hipon Budol from the competition despite numerous attempt to fix some pageants debacles. It seems like the Ugandan Government has no initiative to intervene.”

Dahil sa nangyari, lubos na humihingi ng pasensya ang talent manager sa supporters, sponsors, at designers ng beauty queen.

“We apologize to the supporters, who were rooting for since day one. To the team, sponsors, and designers. Thank you and I am sorry,” lahad niya.

Nagpasalamat din siya sa Filipino community ng Uganda at sa ilang staff na inaalagaang mabuti si Herlene habang nasa ibang bansa.

Caption niya, “Thank you to the Filipino community in Uganda for the comfort and well wishes.

“Especially to @Yiga Ventures, @Hassan Yiga & @Rama-dhan Kimbugwe and his team for protecting and keeping my queen, Herlene and her team safe.”

Nilahad din ni Wilbert ang personal niyang nararamdaman at sinabing nasaktan siya sa nangyari dahil marami ang nasayang, hindi lang daw pera at effort, kundi pati na rin ang oras.

“For me as, MPP National Director, I an very hurt, Not only we lost a crown, lost of money, lost of effort; but lost of time,” sey niya.

Patuloy pa niya, “But we will never lose hope, because we have bright future back home awaits.

“This is indeed a traumatic experience for all of us, but we fought for it until the end. And that is our mission.”

Kamakailan lang ay naging usap-usapan sa social media na kanselado na ang 2022 Miss Planet International pageant sa Uganda.

‘Yan ay matapos maglabas ng pahayag ang dalawang kandidata na sina Miss Czech Republic at Miss Jamaica.

Sa Instagram stories ni Miss Czech Republic, mababasa sa mahabang mensahe ang “we’re stuck in Uganda” at “35 contestants (who hasn’t left yet) were scammed.”

Nilipat umano ang mga kandidata sa Zara Gardens noong November 10, ngunit kinailangang muling umalis ng mga dilag dahil hindi pa nababayaran ang hotel.

Naunang sinabi ni Wilbert, “So, kanya-kanyang diskarte muna sa pagkuha ng kanilang matitirahan sa Airbnb.

“May apat hanggang anim na nag-withdraw dahil mauubusan ng budget kung tumagal pa sila sa Uganda.”

Tiniyak din ni Wilbert na naghahanap siya ng iba pang patimpalak na pwedeng salihan ni Herlene.

Read more:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Herlene Budol pinakanta ng Pinoy song ang Miss Planet International candidates, pinakain din ng Pinoy food

‘Plan B’ sa national costume ni Herlene Budol nakarating na sa Uganda: ‘Tuloy ang lavaaarn!’ 

Herlene Budol nanawagan sa airlines, national costume hindi umabot sa Uganda 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending