Mga namamalimos na Badjao sa NCR kumikita ng P5k kada araw - DSWD | Bandera

Mga namamalimos na Badjao sa NCR kumikita ng P5k kada araw – DSWD

Pauline del Rosario - November 24, 2022 - 02:22 PM

Mga namamalimos na Badjao sa NCR kumikita ng P5k kada araw - DSWD

DSWD Sec. Erwin Tulfo FILE PHOTO

MAY natuklasan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) tungkol sa namamalimos na mga Badjao dito sa Metro Manila.

Ang kinikita pala nito sa paglilimos ay umaabot ng hanggang P5,000 kada araw.

Ayon kay Social Welfare Secretary na si Erwin Tulfo, nalaman nila ito nang ma-interview nila ang mga Badjao na nasagip nila kamakailan lang.

Sinabi ni Tulfo sa isang press briefing na nangyari noong November 23, “Unfortunately, while in the process of rescuing them. We found out several things.

“Mayroon silang inuupahan diyan, na parang bahay sa Tondo, parang board and lodging… and we found out base sa social worker namin sa interview, kumikita sila ng parang 5,000 pesos per day.”

Noong nakaraang linggo lamang ay nagsagawa ng rescue operations ang DSWD at nasa isandaang mga Badjao nga ang kanilang nasagip.

Bukod sa pinamimigay na food packs at hygiene kits, ang bawat Badjao na na-rescue ay nakakuha rin ng ayudang tig P10,000 na pwede nilang gawing puhunan para makapagpatayo ng sariling negosyo.

Sey pa ni Tulfo, “Kinausap natin noong isang araw.

“Ayun ang sinasabi wala kaming kabuhayan, kung may ayuda daw ba na binibigay, pinipili lang daw ng LGU.”

Patuloy pa niya, “So what I did was, sabi ko, bigyan na lang ng pangkabuhayan nila … kinausap na namin yung provincial welfare office doon sa Jolo, Sulu, sila na ang bahala magdistribute sa tao, kasama ang social welfare namin.”

Nauna nang sinabi ni Tulfo na mali ang dating ginagawa ng ahensya dahil hindi nito nareresolba ang problema ng mga Badjao.

Paliwanag pa niya, kaya lumuluwas ng Maynila ang mga katutubo ay dahil wala silang makain at walang ikinabubuhay sa kanilang probinsya.

Ani Tulfo, “You do not solve their problem.

“The problem is, they don’t have anything to eat in that area because they have no livelihood, so they return to Metro Manila and other big cities to beg for alms.”

Matatandaang tiniyak din ng DSWD na buong taon nilang tutulungan ang mga namamalimos na katutubo at isusunod din nila ang mga batang kalye na namamalimos.

Related chika:

Mga namamalimos na Badjao sa Metro Manila binigyan ng P10K ng DSWD

Cynthia Villar, Raffy Tulfo nagkainitan sa isyu ng farmland conversion na maging subdivision, commercial areas

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Umano’y korupsyon sa DSWD, DOE ibinunyag ni Pacquiao 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending