Neri Miranda may wais tips kung paano magtatagumpay sa pagpasok ng negosyo | Bandera

Neri Miranda may wais tips kung paano magtatagumpay sa pagpasok ng negosyo

Therese Arceo - November 20, 2022 - 01:07 AM

Neri Miranda may wais tips kung paano magtatagumpay sa pagpasok ng negosyo
MULING binalikan ng dating aktres at nakilala bilang “wais na misis” na si Neri Miranda kung paano siya nagsimulang palaguin ang kanyang mga negosyo.

Sa YouTube vlog ng broadcaster na si Karen Davila ay naikwento ng celebrity mom kasama ang asawa nitong si Chito Miranda ang kanyang mga naging karanasan noon na naging malaking bahagi ng success niya ngayon.

“Growing-up naman, hindi ko naramdaman na mahirap na mahirap kami kasi kahit papano, kasi sa probinsya hindi naman kami namamalimos o ano. Pero naranasan ko ‘yung lahat kaming magkakapatid hindi papasok kasi wala kaming pamasahe,” pagbabahagi ni Neri.

Kwento pa niya, naranasan rin daw niyang maglako noong college siya ng ulam at nagtinda na rin siya ng barbeque.

Maging ang pag-aalaga nga ng baboy ay nagawa rin ni Neri noon at doon daw siya natuto kung paano maging madiskarte.

At ito nga din ang naging dahilan ni Chito kung bakit mas lalo siyang napamahal sa asawa.

Sa ngayon ay mahigit na sa sampu ang negosyo ni Neri at ito ay nagsimula lang rin sa mga malilit na kapital hanggang sa napalago na niya ito.

Nag-bigay naman ng tips ang mag-asawa kung paano magiging successful sa pagkakaroon ng negosyo.

Unang-unang payo ni Neri ay dapat mag-invest sa mga taong mapagkakatiwalaan at huwag nakalilinot na magdasal.

Ayon rin sa kanya, dapat ay mayroon kang lakas ng loob.

“Kailangan may lakas ng loob at kailangan ikaw ang unang maniniwala sa kakayahan mo,” sey ni Neri.

Para naman kay Chito, “Dapat ‘yung risk mo, calculated pa rin. Lagi kong sinasabi sa kanya kunyari, you have this amount, isugal mo ‘yung half and hopefully it hits something… Dont gamble.”

Pagpapatuloy ni Neri, “Kung ano ang problema mo sa bagay, negosyo yan.”

Dagdag pa niya, gamitin ang social media sa pagre-research para mas matuto ng iba pang bagay at hindi lang para maki-chismis.

Sey pa niya, “Dapat ‘yung social media n’yo, nag-aaral kayo. Ako pina-follow ko ‘yung mga business-minded talaga na may makukuha akong aral.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nerizza Miranda (@mrsnerimiranda)

Related Chika:
Neri Miranda ibinandera ang nabiling condo para kay Cash: Ito ang magiging unang negosyo niya

Neri natuwa sa ‘He’s Into Her’; may pasabog tungkol kina Chito at Donny

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Chito tuwang-tuwa sa mga nahuli nilang isda ni Neri: Medyo feeling mo nilibre ka ni God

Neri Miranda binili ang magsasarang salon sa Tagaytay para hindi mawalan ng trabaho ang mga empleyado

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending