Janice de Belen may ‘shocking’ online shopping experience, nawindang sa natanggap na package
NAGBABALA ang aktres na si Janice de Belen patungkol sa nakakalokang experience niya sa online shopping.
Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng aktres ang larawan ng package na kanyang natanggap.
“Omg!!! Today I received my package!!! And to my surprise, I got this dirty dripping wet item!” saad ni Janice.
Dagdag pa niya,”I don’t even know what it is!!! But this isn’t what I bought!!”
Ani Janice, sinubukan pa niyang i-message ang seller pero wala raw itong sagot.
Nakiusap rin siya sa naturang online shopping app ukol sa nangyari.
“@shopee_ph I hope you can do something about budol issues like this! Guys beware!” pagbabahagi pa ni Janice.
Makikita ding nag-comment ang kapwa aktres na si Arlene Muhlach.
View this post on Instagram
Sey ni Arlene, “Naku that happened to me with the same company. I deleted my account there.”
Umabot na ng mahigit 2,000 likes ang Instagram post ni Janice noong November 17 ngunit sa ngayon ay hindi na makikita sa kanyang account ang naturang post.
Maaaring naayos na ang problema ng aktres sa seller kaya minabuti na rin niyang i-take down ang kanyang post.
Related Chika:
Hugot ni Janice sa ‘cheating’: Ang daling magpatawad, sasabihin mong, ‘I’m sorry, hindi na mauulit uli’, pero ganu’n pa rin
Janice ayaw nang makatrabaho si John, pero payag kay Aga: Magkaiba kasi yung status ng relationship…
Janice de Belen pumalag sa ma-attitude na young star na bida sa teleserye: Attitude rin ako!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.