LTO pinaigting ang kampanya laban sa ‘overloading’ vehicles | Bandera

LTO pinaigting ang kampanya laban sa ‘overloading’ vehicles

Pauline del Rosario - November 19, 2022 - 12:43 PM

LTO pinaigting ang kampanya laban sa ‘overloading’ vehicles

Photo from LTO website

PINAIGTING na ng Land Transportation Office (LTO) ang kampanya laban sa “overloading vehicles.”

‘Yan ay matapos ipag-utos ni Transportation Chief Jay Art Tugade bilang parte ng kanilang adbokasiya sa road safety.

Sey ng LTO chief, “We will continue to build up on our objective of ridding our roads of overloaded trucks because they present direct danger against other vehicles plying our roads.”

“Definitely, our operations against overloaded vehicles will continue without letup so violators will learn to respect our laws on road safety,” dagdag pa ni Tugade.

Noong November 17, may 22 na mga sasakyan at 15 trucks na ang nahuli ng LTO dahil sa paglabag sa Republic Act No. 8794 o ang “Anti-Overloading Act of 2000.”

Ang mga driver ng mga nahuling sasakyan ay kukumpiskahin ang driver’s license at bibigyan ng traffic violation receipt.

Sa ilalim ng batas, ang mga lumabag ay magbabayd ng multang katumbas ng 25% ng kanilang private motor vehicle tax, at 25% din ng motor vehicle user’s charge para naman sa mga truck at trailer.

Inilarawan pa ni Tugade ang overloaded trucks bilang delikado para sa mga iba pang sasakyan.

Sey niya, “overloaded trucks present direct danger against other vehicles plying our roads.”

Related chika:

Pagkakaantala sa pag-isyu ng National ID sinisi sa mga kaso ng ‘close matches’

Singil sa tubig tataas pagpasok ng taong 2023

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Krimen sa bansa bumaba, pero bilang ng mga magnanakaw dumami

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending