Denise Laurel nagbabala sa publiko sa fake account na gumagamit ng kanyang pangalan: Imposter! | Bandera

Denise Laurel nagbabala sa publiko sa fake account na gumagamit ng kanyang pangalan: Imposter!

Therese Arceo |November 16,2022
facebook
share this

Denise Laurel nagbabala sa publiko sa fake account na gumagamit ng kanyang pangalan: Imposter!

Therese Arceo - November 16, 2022 - 11:58 PM

Denise Laurel nagbabala sa publiko sa fake account na gumagamit ng kanyang pangalan: Imposter!

NAGBABALA ang aktres na si Denise Laurel patungkol sa isang account na nagpapanggap bilang siya sa Telegram at YouTube.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang screenshot ng Telegram profile na may username na @Denise_Laurel.

“This person hiding behind the keyboard is pretending to be me on Telegram and YouTube sending people horrible messages under my name. Imposter,” saad ni Denise.

Pagbabahagi niya, bilang hindi siya masyadong maalam sa social media ay hindi niya alam paano ito i-report sa mga naturang app.

“As a Lola i don’t know how to report em on telegram and i just blocked them on both telegram and YouTube but couldn’t report em,” sey pa ni Denise.

Maging sa kanyang Instagram story ay ibinahagi niya ang naturang screenshot.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by DeniSe Laurel (@d_laurel)

“This person is an imposter! Sending people horrible responses or messages in my name. FYI,” lahad ng aktres.

Sinabi rin ni Denise na hindi siya nagre-reply o nagre-respond sa mga tao gamit ang kanyang Facebook account kaya naman kung may magpapakilala bilang siya sa social media ay paniguradong hindi siya.

Hindi lang naman ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng mga poser o mga fake acount ang mga artista sa social media.

Sa katunayan, bukod kay Denise, kamakailan lang ay nagbigay babala rin si Anna Feliciano patungkol sa taong nasa likod ng Facebook account na “Anna Feliciano” kung saan nagsasabing naghahanap ito ng additional dancers para sa programang “Wowowin” at ibinahaging P70,000 ang buwanang sahod na matatanggap ng kanyang mapipili.

Sa isang Facebook live ay nilinaw nito na walang katotohanan ang nag-trending na post at hindi raw siya nanghihingi ng video ng mga babaeng walang suot na bra at panty.

 

Related Chika:
Denise Laurel super happy sa life kahit walang dyowa: OMG! Ayaw ko na ng sakit sa ulo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Denise Laurel tanggal na ang cyst sa likod ng ulo: I’m excited to finally get better sleep

Sol Mercado nakipagsagutan sa nang-okray kay Sandra Lemonon; Denise Laurel nadamay

Bakit maluha-luha si Denise Laurel habang pinupuri si Lovi Poe sa presscon ng ‘Flower Of Evil’?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending