Beauty queens dumagsa uli sa Pilipinas para sa 2022 Miss Earth pageant
Mahigit 80 dilag mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang nagtitipon sa Pilipinas ngayon, hudyat ng muling pagbabalik ng pisikal na pagtatanghal ng Miss Earth pageant makaraan ang dalawang virtual editions.
Upang ipagdiwang ito, nagpatawag ang organizer na Carousel Productions ng isang welcome dinner para sa mga kandidata, host ang Versailles Palace sa Alabang, Muntinlupa City, noong Nob. 13.
Dumalo rin sa pagtitipon si reigning Miss Earth Destiny Wagner, ang unang international beauty titleholder mula Belize.
Nakita rin ng mga kandidata si 1999 Miss Universe first runner-up Miriam Quiambao, na nagbigay ng isang inspirational message.
Virtual ang mga naging edisyon ng Miss Earth pageant noong 2020 at 2021 dahil sa COVID-19 pandemic. Naging online din ang Miss Philippines Earth pageant nitong nagdaang dalawang taon.
Para sa 2022, hybrid ang dalawang kumpetisyon, na kapwa inoorganisa ng Carousel Productions, kung saan virtual ang unang yugto, at pisikal naman ang kasunod na bahagi.
Ngunit kung sa Miss Philippines Earth pageant ang Top 20 lang ang tumuloy face-to-face na yugto ng kumpetisyon, tinipon ng Miss Earth pageant lahat ng mga kandidata sa Pilipinas upang makibahagi sa mga pisikal na aktibidad ng patimpalak.
Itatanghal ang 2022 Miss Earth coronation program sa Cove Manila Pool Club ng Okada Manila sa Parañaque City sa Nob. 29
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.