Onyok Velasco bentang-benta ang mga paandar habang naglalaro ng basketball: Sarap niyang panoorin! | Bandera

Onyok Velasco bentang-benta ang mga paandar habang naglalaro ng basketball: Sarap niyang panoorin!

Pauline del Rosario |November 13,2022
facebook
share this

Onyok Velasco bentang-benta ang mga paandar habang naglalaro ng basketball: Sarap niyang panoorin!

Pauline del Rosario - November 13, 2022 - 06:06 PM

Onyok Velasco bentang-benta ang mga paandar habang naglalaro ng basketball: Sarap niyang panoorin!

PHOTO: Instagram/@onyokvelasco

TAWANG-TAWA ang maraming netizens sa viral video ng komedyante at dating boksingero na si Onyok Velasco.

Bukod kasi sa pagpapakitang-gilas niya sa paglalaro ng baskteball, nakuha pa niyang magpatawa sa gitna ng kanyang laro.

Ang video ay ibinandera ng Facebook page na “Kevs Sports Eye” noong November 9.

May caption pa itong, “Hindi lang pala sa Boxing magaling si Onyok Velasco pati din sa Basketball at nakakatawa pa.”

Mapapanood sa video na kakaiba ang naging tactics ni Onyok para maka-score sa laro.

Isa sa mga eksena ay ‘yung may dinala pa siyang pulis na tila pinantakot pa sa kanyang mga kalaban at saka siya nag-shoot ng 3 points.

May kwela pang nangyari na nakipagpasahan pa siya ng bola sa referee.

At may eksena rin na nagawa pa niyang makipag-selfie sa fans habang nasa gitna ng laban.

Ang viral video ni Onyok ay umaani na ng mahigt six million views.

Libo-libong netizens din ang napa-comment sa sobrang pagkaaliw sa mga paandar ng komedyante.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento sa social media.

“Kengkoy talaga maglaro ‘yan si Onyok, pati nga referee pinasahan nya ng bola eh (laughing emoji).”

“Isa din itong nagbigay ng karangalan sa ating bansa…salamat Onyok.”

“Ang saya ng laro hindi boring panoorin (laughing emoji) cute ni Onyok.”

“Galing naman sir Onyok at super tawa ako sarap panoorin laban”

Hindi lang magaling sa pagpapatawa at pag-arte si Onyok dahil una siyang sumikat sa larangan ng boxing na kung saan ay nakakuha siya ng gold medal para sa Pilipinas nang lumaban siya sa Asian Games noong 1994.

Nag-uwi din siya ng silver medal noong 1996 mula sa Summer Olympics.

Read more:

Netizens may panawagan kay Hidilyn; natatakot na magaya kay Onyok Velasco

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anak na dinala ang mga ‘manliligaw’ sa bahay kahit first day palang ng eskwela, viral

3-year-old kikay kid viral na dahil sa paandar na ‘Makeup Tutorial’ sa TikTok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending