Baron Geisler: Natatakot ako pag tinatanong ng mga kaibigan ko, ‘how do you feel, is the ego back?’
“SUMABLAY ako noong 2019, sumablay rin ako this year, lahat naman sumasablay e, ang importante lang is how to pick myself up.”
Yan ang bahagi ng naging pahayag ni Baron Geisler patungkol sa mga nagawang pagkakamali sa buhay nitong mga nagdaang taon na talagang nakaapekto sa kanyang pamilya at career.
Ayon sa magaling na Kapamilya actor, napakalaki ng nagawa sa kanyang personal na buhay ng pelikula niyang “Doll House” kung saan umani siya ng papuri mula sa manonood at mga kapwa artista.
“Parang bumalik na rin ‘yung tiwala at respeto sa akin kaya sobrang ang hirap ipagmayabang. Parang hindi ko siya maipagmamayabang na gaya ng sinabi ko, lahat ito grace so walang ego na kasama ‘to, walang yabang lahat ‘to.
“Tagos sa puso talaga kasi hindi lang nano-notice siguro ng mga tao but I have been really working and doing the leg work on my program and my sobriety for the past four and half years now.
“And because of this project, Doll House, doon nakita lahat ng efforts ko, doon napansin, and doon sa mga katulad ko no na survivors, doing their best to come back and make anew their life,” ang pahayag ni Baron sa panayam ng CinemaNews.
Napatunayan din niya na kahit napakarami na niyang nagawang sablay ay binibigyan pa rin siya ng pagkakataon na magbago. Aniya, hindi pa huli ang lahat para sa mga taong nais magbago at magpakatino.
“It’s never too late. Just keep on praying because it only takes one call, one project, or one breakthrough and you know, we’re back and the trust is back.
“But it’s hard to do, to regain you know, it’s really hard to regain so more of takot ang nararamdaman ko tuwing tinatanong ako lahat ng mga kaibigan ko, ‘how do you feel is the ego back?’
View this post on Instagram
“No actually I’m afraid, first of all the trust and the trust is back and I don’t want that to go away and I also don’t want it parang I don’t want it to hold it selfishly so. It’s just like my recovery if I keep it to myself and not to give it away, then it’s wala hindi siya magagamit.
“So this is the perfect time when I could do my service work and work at the same time and give it back both of your foundation and visit those little girls who are survivors, go to Visayas and Mindanao to talk about God’s grace and of course to be the poster boy of anti-drugs,” lahad ng aktor.
Pagpapatuloy pa ni Baron, “Sumablay rin ako noong 2019, sumablay rin ako this year, lahat naman sumasablay e, ang importante lang is how to pick myself up and become the person I was yesterday, so ‘yun lang this totally humbled by this film lang talaga.
“Wala akong masabi na I cannot promise anything, basta ‘yung sa akin lang I stick to my program, I stick with my guns I stick with God, I stick with my real friends [and] of course, my wife and I think all will be well,” sey pa niya sa nasabing interview.
Super thankful din si Baron sa kanyang asawang si Jamie, “She’s my rock e. Aside from God, she speaks the truth with love, she gives me tough love when I need to hear it.
“And siya yung barometer, pag nakikita kong nagsusungit, ‘yun na agad ang insiisp ko, what am I doing wrong?
“Let me count, let me do my daily reflection and daily inventory. Ah ok, maybe nagkulang ako sa ganitong point, or maybe I am acting a little bit goofy. Siya ang barometer ko kung nasa tama ako, pag happy siya okay, then I’m cool, I’m cool,” aniya pa.
Pero sey ng aktor, hindi pa talaga niya masasabi na totally okay na okay na siya, “Yes I am praying na, gaya ng sinabi ko na nothing is certain. But I am praying to God everyday na, ‘Lord please sustain me, sustain this but of course, it’s Your will pa rin, Lord.’ It’s always His will so surrender lang, surrender lang everyday.”
Kasama si Baron sa pinakabagong Kapamilya series na “The Iron Heart” na pinagbibidahan nina Richard Gutierrez, Jake Cuenca, Dimples Romana, Sue Ramirez at marami pang iba.
Baron Geisler minura ni Paolo Contis: ‘Pati t-shirt ko di kinaya yung acting mo!!!’
Toni hindi na pera-pera lang ang laban sa showbiz: I’m not deciding anymore for money
Manghuhula sumablay sa tanong ni Kuya Kim: Ikukumusta ko po kayo kina Tito, Vic & Joey!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.