Ellen Adarna bumwelta sa basher na pinuna ang pag-aalaga sa mister: Are u the one taking care of him? | Bandera

Ellen Adarna bumwelta sa basher na pinuna ang pag-aalaga sa mister: Are u the one taking care of him?

Pauline del Rosario |November 11,2022
facebook
share this

Ellen Adarna bumwelta sa basher na pinuna ang pag-aalaga sa mister: Are u the one taking care of him?

Pauline del Rosario - November 11, 2022 - 12:45 PM

Ellen Adarna bumwelta sa basher na pinuna ang pag-aalaga sa mister: Are u the one taking care of him?

PHOTO: Instagram/@maria.elena.adarna

HINDI napigilang sagutin ng sexy actress na si Ellen Adarna ang isang basher na nagkomento sa kanyang latest Instagram post.

Pinuna kasi nito ang pag-aalaga niya sa may sakit niyang mister na si Derek Ramsay.

Sa Instagram ay ibinandera ni Ellen ang ilang litrato ng aktor na nagpapahinga at may suot na oxygen mask.

Ayon sa aktres, nakakaranas si Derek ng tinatawag na “altitude sickness” matapos ang ilang araw nilang pamamasyal sa Peru.

Caption pa niya, “The situation and Views (laughing emoji) #altitudesickness ain’t so bad – ganda ng view eh…(laughing emoji)”

“Thank you @coach_nasser_bali The zen breathing and meditations worked. I was not hit with the altitude sickness at all!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ellen Adarna Ramsay (@maria.elena.adarna)

Nagkomento naman mismo si Derek sa kanyang post ng may napakaraming laughing emoji.

Pero tila may isang netizen na hindi natuwa sa update ni Ellen at pinagsabihan pa ang aktres na ginagawang katatawanan umano ng aktres ang seryosong kalagayan ng asawa.

Komento ng basher, “Unbelievable (crying face emoji)(face with open mouth emoji) I understand that maybe that’s her human nature, but what is your husband gone or going through is not a joke. How can you laugh on top of your lungs while your husband is suffering and chasing his breath. Oh Bless Him.”

Kaagad na bumwelta diyan si Ellen at sinabing hindi naman siya ang nag-aalaga kay Derek.

Sagot ng aktres, “@itsmeangelatan he was laughing at himself too so what’s your problem?! Are u the one taking care of him? No. God bless you and your judgements.”

Maraming netizens naman ang nag-reply sa sagutan ng dalawa at tila rumesbak sa basher.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“wow! What a genius reply madam! Yan ang napapala sa mga judgemental. Hahaha!! Nasapol tuloy!”

“Well done len. Mema kasi masyado yang nag-comment kasabay ng dalawang taong nag-like ng comment niya.”

“of course kaya nakukuhang matawa nalang is because okay na ang lahat. Anong gusto mo mag lupasay sila kahit ok na? Ang toxic mo ha!”

Kasalukuyang nasa Peru ang mag-asawa upang ipagdiwang ang kanilang unang taon na kasal.

Read more:

Ellen Adarna muntik ma-hack ang FB, may mensahe sa hacker: ‘Nice try’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ellen Adarna, Derek Ramsay ibinandera ang lambingan sa IG: ‘You want attention’

Ellen Adarna tuluyan nang lalayasan ang showbiz, gusto nang magpabuntis kay Derek

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending