Alexa dinenay na magdyowa na sila ni KD, pang-asar ng netizen: ‘Talaga ba? Wala ka pang boyfriend? Mameteyyyyyyy?’
TILA na-bad trip ang Kapamilya actress na si Alexa Ilacad sa isang netizen na pilit siyang pinapaamin na mag-boyfriend na raw sila ni KD Estrada.
Nakiusap ang dalaga sa mga fans at social media supporters nila ni KD na tigilan na ang pagpapakalat ng balita na official na ang kanilang pagiging magdyowa dahil wala naman talaga itong katotohanan.
Ipinagdiinan ni Alexa na hindi pa niya sinasagot ang kanyang ka-loveteam at onscreen partner. Pero inamin nga niya ang tunay na “status” at “label” ng kanilang relasyon.
Nagsimula ito nang mabanggit ni Alexa sa kanyang YouTube vlog na hanggang ngayon daw ay wala pa rin siyang boyfriend.
“So wala pa naman po akong boyfriend. But I think obvious naman na, luma-lovelife na tayo ngayon. But wala pa po. Coming soon, abangan,” ang pahayag ng aktres.
Isang netizen ang nagkomento rito at pinalalabas nga na parang nagsisinungaling si Alexa at itinatago lang ang relasyon nila ni KD.
“Talaga ba? Wala ka pang boyfriend? Mameteyyyyyyy?”
View this post on Instagram
“Cge ka baka magtampo si kiddy. Baka ang nag iisang boyfriend mo mawawala…… Wag naman sana,” ang sabi ng netizen.
Sinagot naman siya ni Alexa at sinabi ngang “exclusively dating” pa lang sila ni KD at hindi pa sila official na mag-boyfriend.
“Please, enough about this. Pagod na po akong ipaintindi sa inyo kung ano ibig sabihin ng exclusively dating. Gusto niyong aaminin ko na kami na, eh sa hindi pa nga po talaga.
“But KD and I have an understanding with each other and we are both secured. It’s really not that deep.
“And please, enough with threatening me na iiwan ako. Lagi na lang,” dagdag pang paliwanag ni Alexa.
Nagsimulang maging close sina KD at Alexa nang magsama sa loob ng Bahay ni Kuya bilang mga celebrity housemate ng “Pinoy Big Brother: Kumunity.”
Pareho ring sinabi ng magka-loveteam na sa ngayon ay ayaw muna nilang lagyan ng label ang kanilang relasyon.
“We see each other as partners but right now, especially with our very busy careers, we don’t want to put a label on it.
“We fear this will only cause problems later on, that it’s going to make the relationship more high maintenance. As of now, we just want to take it slow,” pahayag ni KD sa isang panayam.
Sabi naman ni Alexa, “That’s what I told him. I don’t think it would be smart to add pressure to whatever is happening, especially since after PBB, we have been receiving blessings after blessings.
“We are so overwhelmed. I told him that we should just enjoy and not pressure ourselves by putting a label on our relationship,” aniya pa.
Alexa Ilacad, KD Estrada sa posibilidad na maging ‘dyowa’: The intent is there
KD Estrada nagtapat na kay Alexa Ilacad: I want to be with you…I want to give you what you deserve
Alexa Ilacad sa tunay na relasyon nila ni KD Estrada: Sa totoo lang pwede na nga, eh, pero…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.