Kilalang aktor gustong balikan ang ex-dyowang aktres na biktima ng 'ghosting' | Bandera

Kilalang aktor gustong balikan ang ex-dyowang aktres na biktima ng ‘ghosting’

Reggee Bonoan - November 08, 2022 - 04:34 PM

Guess, guess who! Ma-gets n’yo kaya kung sino sila?

HOW true na planong balikan ng kilalang aktor ang aktres na ghinosting niya? Nagpaparamdam daw uli kasi ang male celeb sa dating karelasyon.

Inamin ng aktres sa taong ka-close din ng male celebrity na mukhang balak siyang balikan nito kaya pinayuhan daw siya na timbangin ang sarili kung gusto pa rin niya at walang masama kung bibigyan niya ng chance.

In speaking terms na kasi ngayon ang aktres at ang aktor na nang-ghost sa kanya kaya siguro sinamantala ng huli na magparamdam na baka kasi puwedeng maging okay na ulit sila.

Pero malabo na si aktor dahil hindi na siya gusto ng aktres.

Kuwento raw ng aktres sa ka-close niyang aktor, “Nagawa na niya (aktor na nang-ghost) dati, posibleng magagawa ulit, saka wala naman na akong feelings sa kanya.”

Nagpapasalamat nga raw ang aktres dahil may natutunan siya sa relasyon nila ng aktor na nang-ghost sa kanya at mas dapat pagtuunan ng pansin ang career at pamilya niya.

Maingay na kasi ngayon ang pangalan ng aktres at magaganda ang feedback sa kanya sa huling TV series niya at may kasunod kaagad siyang project kaya siguro nagpaparamdam ang aktor na nang-iwan sa kanya.

In fairness, may projects din naman ang aktor na nang-ghost sa aktres baka lang siguro naisip nitong bagay silang magka-loveteam kaya gustong mapalapit ulit.

In fairness bagay naman talaga silang loveteam pero mas bagay kay aktres ang huli niyang nakasama sa serye dahil may mga nabuo silang fans na ngayon ay humihiling ng another project na magkasama sila.

* * *

Madadagdag ang baguhang singer na si Tera sa mga singers na maraming hugot sa kanilang awitin.

Ang “Higher Dosage” ay nabuo ni Tera noong 2019 bagay na ikinatataka ng mga nakarinig sa nakaraang media launch niya dahil bata pa siya pero kakaiba ang genre ng mga sinusulat niyang kanta na dapat sana ay pop music ang uso sa kaedaran niya.

Aniya, “Marami nang love songs – finding it, losing it. Kaya ang inaalok ko ay real, deeper emotions, life events, at humanity. Kaiba ang debut single na ito sa kinasanayan ng tao, pero alam kong maski sino ay makaka-relate rito.”

Sa nakaraang launch ni Tera ay nagpakitang gilas siya dahil well-prepared siya lalo’t  nag-undergo training siya kay Douglas Nierras, Chrisy Sawada at Froi Dabalus, piano training sa Yupangco Music Academy, voice masterclass ni Monet Silvestre, at The Madz Studio sa pag-coach ni Alfred Samonte.

Ito ay ang “Higher Dosage” na kinanta at sinabayan ng sayaw ni Tera kasama ang Facade at Sa Dilim.

Si JM de Guzman ang special guest niya na bagay silang mag-tandem dahil pareho silang puro hugot ang mga kinakanta.

Ang influencers ni Tera ay sa panonood ng live concert CDs nina Michael Jackson at Beyoncé, na parehong humubog sa kanya bilang performer.

“Mula pagkabata, nagpe-perform na ako sa mga tao, at never akong napagod ibahagi ang aking talento.  Umaasa akong ‘di magtatagal, makaka-relate rin ang tao sa aking mga likhang awitin at magugustuhan nila ang aking performances,” saad ni Tera.

Anyway, sabi ng TEAM Manager Tyronne Escalante, “Si Tera ang sumusulat ng sarili niyang songs, isa siyang natural-born performer. Aabangan namin na siya’y makilala ng madla at hangaan sa kanyang kakaibang music… at dito, susuportahan namin siya all the way.”

Alden may mga childhood memory na ayaw nang balikan: Because it was so painful…

Jennica Garcia, Alwyn Uytingco nangangamoy balikan na: ‘Best Christmas gift ever!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kelvin Miranda nanghinayang sa nakaraan: Gusto kong balikan ‘yung oras na natakot akong magkamali…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending