I-text kay Madam Sophia | Bandera

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia |October 02,2013
facebook
share this

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia - October 02, 2013 - 03:00 AM

Mula kay Jasyon Vendivil ng …9226 Gen San. April 22, 1987 ang birthday ko. Nag-aaplay ako bilang seaman, kailan kaya ako makakasampa sa barko.
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong April 22, 1987 sa taong 2015 sa edad mong 28 pataas may isang mabunga at mabiyayang pagba-barkong itatala sa iyong kapalaran.
>>>
Mula kay Ms. Scorpio ng …3009, Bagbag, Novaliches, Quezon City. October 26, 1982 ang birthday ko. Kailan kaya ako magkaka-boyfriend at makapag-aasawa?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong October 26, 1982, sa taong 2015 sa edad mong 33 pataas magkaka-boyfriend ka na hanggang sa tuluyang makapag-asawa, hatid ng isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Cancer.
>>>
Mula kay Smiley ng …7624 Tacloban City. Nag-aaral ako sa ngayon kaya lang marami akong problema sa mga subject ko at sa financial. Sa palagay nyo makakatapos kaya ako ng pag-aaral. At may alam po ba kayong pormula kung paano ako magtatagumpay at magiging maligaya sa buhay. September 13, 1995 ang birthday ko.
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong September 13, 1995, kung susundin mo ang sarili mong kagustuhan, malamang na hindi ka makatapos ng pag-aaral, dahil ang gugustuhin mo ay maghinto na lang. Pero kung pikit-mata, na ang susundin mo ay ang kagustuhan ng iyong mga magulang kahit ayaw mo, sa ganoong paraan makakatapos ka ng pag-aaral. Ang mga taong may birthdate na September 13, 1995 ay mahilig kasing mag-rebelde at ayaw sumunod sa mga magulang na nagiging dahilan ng kanilang kabiguan. Kaya nga napaka-simple ng pormula upang ikaw ay magtagumpay, hindi lang sa pag-aaral kundi sa lahat ng aspeto ng iyong buhay. Ang pormula: Sumunod ka lang ng sumunod sa pinapagawa ng iyong mga magulang at makikita mo, sa ganyang paraan, tuloy-tuloy ka ng magtatagumpay, uunlad at magiging maligaya habambuhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending