Heart Evangelista inokray ng laiterang 'golden basher': 'U look like butiki! LOL! | Bandera

Heart Evangelista inokray ng laiterang ‘golden basher’: ‘U look like butiki! LOL!

Ervin Santiago - November 08, 2022 - 07:17 AM

Heart Evangelista inokray ng laiterang 'golden basher': 'U look like butiki! LOL!

Heart Evangelista

BINARAG nang bonggang-bongga ng Kapuso actress na si Heart Evangelista ang isang “golden basher” na nang-okray sa kanyang itsura.

Sa Instagram post ng fashion icon nitong nagdaang November 2 ay makikita ang pagmi-mix and match niya ng kanyang mga sosyaling damit for her pasabog na mga OOTD.

Ang nakalagay sa caption ng kanyang IG post ay, “Season 3 na! Get ready with me (check, sparkle emojis).”

Maraming nag-like at nagkomento ng positibo sa post ng aktres pero may isang netizen na nanglait kay Heart at sinabihan pa siya ng, “U look like butiki! LOL!”

Hindi ito basta-basta pinalampas ni Heart at talagang bumanat din siya nang major-major resbak laban sa laiterang hater.

Sey ni Heart, nag-effort daw talaga siya para magmukhang butiki hindi tulad ng basher walang kahirap-hirap ang pagiging mukhang butiki.

“OMG! I really tried to look like that !! Buti ka pa effortless,” bwelta ng Kapuso star.

Muli namang nagkomento ang netizen at tila nahimasmasan sa naging banat niya kay Heart. Paghuhugas-kamay nito, “I don’t mean harm or bad way.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


Hindi na siya nireplayan ni Heart pero kinuyog naman siya ng IG followers ng aktres.

Nakauwi na si Heart sa Pilipinas matapos rumampa ng ilang linggo sa Paris, France. Pero hanggang ngayon ay dedma pa rin siya sa chikang naghiwalay na sila ni Sen. Chiz Escudero.

Nang makabalik ng bansa si Heart mula sa Paris ay nag-share nga siya sa kanyang Instagram page ng  isang get-ready-with-me video.

“Good morning Philippines. I am back with a vengeance. Welcome to the season 3 of my life!” ang makahulugang chika ng Kapuso star.

Last September 2, 2022 inamin no Heart sa isang vlog na meron siyang pinagdaraanang “personal struggles.”

“Like, I feel a lot of pressure in my life and, basically now, I am really in a search for just being happy,” sabi ni Heart.

Kris pinainit ang socmed sa topless photo; dedma sa tuksong ‘pandak, anorexic, butiki, kawayan’

Sharon Cuneta ibinandera ang bagong look, pumayat matapos magkasakit

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘The Clash’ champ Golden Cañedo kinakarir ang pag-aaral para maging registered nurse; binati ni Carol Banawa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending