Pinoy Miss International official natumbok ang bagong Vietnamese crown sponsor | Bandera

Pinoy Miss International official natumbok ang bagong Vietnamese crown sponsor

Armin P. Adina - November 07, 2022 - 05:24 PM

Suot na ni Sireethorn Leearamwat, ang unang Mis International mula Thailand at ang pinakamahabang nagreyna para sa organisasyon, ang bagong koronang nilikha ng Long Beach Pearl sa isang event sa Ho Chi Minh City sa Vietnam./MISS INTERNATIONAL FACEBOOK PHOTO

Suot na ni Sireethorn Leearamwat, ang unang Mis International mula Thailand at ang pinakamahabang nagreyna para sa organisasyon, ang bagong koronang nilikha ng Long Beach Pearl sa isang event sa Ho Chi Minh City sa Vietnam./MISS INTERNATIONAL FACEBOOK PHOTO

IPINAKITA na ang bagong korona ng Miss International pageant sa isang event na isinagawa sa Rex Hotel sa Ho Chi Minh City sa Vietnam noong Nob. 5, at ang Vietnamese company na Long Beach Pearl ang nagdisenyo at lumikha ng koronang gagamitin sa ika-60 edisyon ng patimpalak sa Disyembre.

Dumalo sa pagtitipon ang reigning queen na si Sireethorn Leearamwat, ang unang Miss International winner mula Thailand na noong 2019 pa nagwagi, at ang Pilipinong si Stephen Diaz, marketing manager ng international pageant organization sa Japan.

“When Mikimoto (dating crown sponsor) had a change of business direction, I looked for sponsors and Long Beach Pearl was introduced to us after my June trip to Vietnam,” sinabi ni Diaz sa Inquirer sa isang online interview.

Mikimoto ang lumikha sa koronang ginamit sa Miss International mula 1967 hanggang 1999, at mula 2015 hanggang 2019. Ito rin ang gumawa ng koronang “Phoenix” na ginamit sa Miss Universe pageant mula 2001 hanggang 2008, at noong 2017 at 2018.

Ngunit sa kalagitnaan ng 2022, sinabi ng Mikimoto na lumilihis na ito sa isang bagong direksyon at tinapos na ang ugnayan sa Miss International Organization.

Ang Vietnamese company ang nagmungkahing gawing inspirasyon ang tanyag na cherry blossom ng Japan para sa korona. At makaraan ang ilang pagbabago sa kulay, “we loved it right away,” ani Diaz. Umabot nang tatlong buwan ang pagpapagawa sa korona, dinagdag pa niya.

Ayon sa Facebook post ng Long Beach Pearl, “Cherry Blossoms welcome the spring sunshine” ang theme para sa korona, na may 333 putting perlas na “number that symbolizes luck and survival.”

Dinagdag pa ng kumpanya: “The crown’s special highlight is [three] selected pearls measuring up to 15 [millimeters], bringing the beauty of immortality and sublime.”

At dahil 1960 itinatag ang Miss International pageant, gumamit ang Long Beach Pearl ng 1,960 na puting brilyante. “With a mission to honor beauty, Long Beach Pearl is the crown making brand for Miss International and Miss International Japan, asserting the high level of craftsmanship at prestigious international competitions,” ipinagpatuloy pa ng kumpanya.

Sinabi ni Diaz na para sa 2022 lang ang kasalukuyang kasunduan sa pagitan ng Miss International Organization at Long Beach Pearl, ngunit umaasa siyang magpapatuloy ang ugnayan ng dalawa “for as long as it lasts.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Noong 2019 huling idinaos ang Miss International pageant. Nakansela ang patimpalak noong 2020 at 2021 dahil sa COVID-19 pandemic. Si Binibining Pilipinas Hannah Arnold ang kakatawan sa bansa sa ika-60 Miss International pageant sa Tokyo Dome City Hall sa Japan sa Dis. 13.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending