BTS fans sa Cavite inspirasyon sa pagtulong sa mga nasalanta ni ‘Paeng’ | Bandera

BTS fans sa Cavite inspirasyon sa pagtulong sa mga nasalanta ni ‘Paeng’

Pauline del Rosario - November 07, 2022 - 04:29 PM

BTS fans sa Cavite inspirasyon sa pagtulong sa mga nasalanta ni ‘Paeng’

PHOTO: Facebook/ARMY Cavite Fanbase

HINANGAAN sa social media ang isang grupo sa Cavite na bidang tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Paeng.

Sila’y walang iba kundi ang “ARMY Cavite Fanbase.”

Kung maaalala ninyo mga ka-bandera, isa ang Cavite sa mga tinamaan ni Paeng at karamihan sa mga lugar ng probinsya ay nalubog sa baha.

Kabilang sa mga naapektuhan syempre ay ang ARMY Cavite Fanbase, pero hindi ito naging hadlang sa kanila para makatulong sa kanilang mga kababayan.

Nang makita nila ang kalagayan sa kanilang lugar ay agad-agad silang nag-organisa ng isang donation drive, at sa loob lamang ng tatlong araw ay nakalikom na sila ng mahigit P100,000!

Ibinandera nila mismo ang magandang balita sa Facebook at lubos na nagpapasalamat sa mga sumuporta sa kanilang proyekto, lalong-lalo na sa kapwa-fan na pinagkatiwalaan sila.

“We would like to express our gratitude to #BTSARMY who helped us spread the word & contributed to our donation drive for the victims of Typhoon Paeng,” saad sa post.

Dagdag pa nila, “We are also grateful for the trust given to us by ARMYs; this will really help a lot!”

Nakapanayam din ng BANDERA ang isa sa head admin ng grupo na si Bie Rosales at ikinuwento niya kung paano nagsimula ang kanilang fundraising.

Sey ni Bie, “Nung una po hindi namin akalaing matutuloy yung donation drive dahil isa talaga sa Cavite ang apektado, akala namin hindi kami makakakilos dahil sa lakas ng bagyo pero nung nalaman ko ang sitwasyon sa social media hindi ako mapakali, nakakita ako ng mga posts na humihingi ng tulong at pictures ng mga batang umiiyak.”

“Kaya nung nalaman ko na hindi ganun kalala ang pinsala ng bagyo dito sa Dasmariñas, nag-meeting agad kami ng team ko. Sinabi ko sa kanila na mag-oorganize kami ng donation drive para makatulong at makapagbigay ng pag-asa sa mga nasalanta ng bagyong Paeng lalo na sa lugar ng Noveleta na inabot ng lagpas tao ang baha,” patuloy niya.

Saad pa niya, “Nung nagpost kami sa aming FB at Twitter page ay hindi naman ako nabigo dahil bumuhos ang suporta ng fans ng kilalang South Korean group na BTS o mas kilala sa tawag na BTS ARMY, ito ang fandom na kinabibilangan namin na laging nandyan tuwing may charity projects kami. Dahil sa trust nila sa amin nakapag-collect kami ng 100,000 pesos sa loob ng tatlong araw. “

Sa isa nilang Facebook post, makikitang daan-daang pamilya sa bayan ng Noveleta ang nakinabang sa kanilang relief operations na kung saan ay namigay sila ng sako-sakong grocery items.

Hindi ito ang unang pagkakataon na tumulong ang grupo sa kanilang komunidad.

Ilan sa mga nauna nilang proyekto ay ang community pantry sa Cavite, pag-ampon ng mga balyena, pagtatanim na puno.

Present din sila sa pamimigay ng relief goods nang manalasa sa bansa ang bagyong Ulysses at Odette.

Ayon pa kay Bie, bilang supporters ng K-Pop sensation na BTS ay nais nilang ipakita na hindi lang puro fangirling ang ginagawa nila.

Nais raw nilang patunayan na isa silang grupo na naghahangad na mas mapabuti ang mundo.

Sey niya, “We are motivated by BTS since they are well known for their involvement in philanthropy and charitable work, and as their supporters we want to represent on their behalf, that being a member of the BTS ARMY does not just entail fangirling; rather, we are a community that has come together to improve the world.”

Ibinahagi niya rin ang “vision” ng kanilang grupo:

“We are ARMY Cavite Fanbase, our vision is to provide the best projects for the collective BTS ARMY in Cavite, especially in supporting BTS’ success and their career; with the mission of spreading the good BTS and ARMY Culture alongside the virtues of being members of Filipino BTS ARMY.”

Tunay na kahanga-hanga ang mabuting kalooban ng ARMY Cavite Fanbase kaya naman isa sila sa mga inspirasyon ng maraming kabataan ngayon.

Read more:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pharrell Williams, BTS may upcoming collab, fans excited na: ‘What a wonderful surprise’

First solo single ni BTS Jin na ‘The Astronaut’ umariba sa 97 na bansa, Music video humakot ng milyon-milyong views

BTS Jin, Coldplay may pa-teaser sa bagong collab song, trending sa socmed

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending