Julia Barretto naglaro ng lutu-lutuan kasama ang mga kapatid, Marjorie super happy | Bandera

Julia Barretto naglaro ng lutu-lutuan kasama ang mga kapatid, Marjorie super happy

Pauline del Rosario |November 05,2022
facebook
share this

Julia Barretto naglaro ng lutu-lutuan kasama ang mga kapatid, Marjorie super happy

Pauline del Rosario - November 05, 2022 - 02:46 PM

Julia Barretto naglaro ng lutu-lutuan kasama ang mga kapatid, Marjorie super happy

PHOTO: INSTAGRAM/@marjbarretto

ISANG precious moment ang ibinandera ng dating aktres na si Marjorie Barretto sa social media habang kasama ang kanyang mga anak.

Ibinahagi niya sa Instagram ang ilang videos na makikitang nakikipaglaro ng lutu-lutuan sina Julia at Claudia sa kanilang bunsong kapatid na si Erich.

Saad pa sa caption ni Marjorie, “When your adult daughters enjoy playing with their little sister’s kitchen set.

“What a beautiful and quiet night. Missing Dani (red heart emoji) #ILoveBeingTheirMom”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by marjbarretto (@marjbarretto)

Mapapanood sa video na nagkukunwaring nasa restaurant ang magkapatid.

Si julia ang nagsilbing waitress, si Claudia ang customer, habang si Erich naman ang kanilang chef.

Natuwa ang ilang celebrities sa post ni Marjorie at tila nakisakay rin sa laro ng magkakapatid.

Gaya ng aktres na si Isabelle Daza na tila nag-order pa.

Pabiro niyang komento, “I’ll take a margarita with extra salt pls.”

Sabi naman ng beteranong singer na si Jessa Zaragoza, “Precious!”

Sey naman ng aktres na si Neri Miranda, “Ang gaganda talaga ng mga anak mo, Ate!!”

Napa-comment din ang nakakatandang kapatid ng Barretto siblings na si Dani dahil hindi siya nakasama sa bonding ng kanyang mga kapatid at sinabing, “Aww miss you guys!”

Pati ang ilang netizens natuwa sa videos at narito naman ang nabasa namin sa comments section.

“Pag ganyan kasaya ipagdadasal mo na huwag na silang mag asawa para hindi sila umalis sa tabi mo, like what i’m feeling to my daughter and son (sad face emoji)”

“Love this. Walang age na pag-uusapan talaga kapag mahal mo kalaro mo… Ang galing ng pagpapalaki mo sa mga anak mo. Hats off…”

“Awwww ur babies support and love for each other is just awesome (heart eyes emoji)”

Read more:

Dennis Padilla kay Dani Barretto: You are a very good mother and wife!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Relasyong Julia Barretto-Gerald Anderson solid pa rin, ibinandera ang kissing photo sa SG

Ano nga ba ang inamin ni Dani Barretto patungkol kay Rico Yan? 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending