Dennis Padilla kay Dani Barretto: You are a very good mother and wife! | Bandera

Dennis Padilla kay Dani Barretto: You are a very good mother and wife!

Therese Arceo |October 20,2022
facebook
share this

Dennis Padilla kay Dani Barretto: You are a very good mother and wife!

Therese Arceo - October 20, 2022 - 08:04 PM

Dennis Padilla kay Dani Barretto: You are a very good mother and wife!
NAGPAABOT ng pagbati ang actor-comedian na si Dennis Padilla sa itinuturing niyang anak na si Dani Barretto.

Ipinagdiriwang kasi ngayon ng social media personality ang kanyang ika-29th birthday.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ni Dennis ang larawan ng batang si Dani kalakip ng kanyang birthday greeting.

“Dearest Dani, Happy B-day anak!! You are a very good mother and wife!

“An effective vlogger + businesswoman! We are proud of you anak!! God bless you more,” pagbati ni Dennis.

Kwento pa ng komedyante, ang naturang picture ni Dani ay mahigit 15 years nang nakatago sa kanyang pitaka.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dennis Padilla (OFFICIAL IG) (@dennisastig)

Si Dani ay ang panganay na anak ni Marjorie Barretto sa aktor na si Kier Legaspi ngunit itinuring na rin niya itong sariling anak nang magpakasal sila ng kanyang estranged wife.

Umani naman ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang naging birthday greeting ni Dennis para kay Dani.

“I’m so touched and i felt pity po on your situation… Sana po i touch ni God ang heart ng mga anak mo para mawala na ang poot sa kanilang dibdib kung kaya’t ayaw nila sa inyo. Kasi kung wala ng poot sa dibdib nila i’m sure they’ll be kind and generous na po sa inyo. Sana po ma enlighten na po ang mga isipan nila para happy na po kayong mag-ama,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Kakatouch naman kuya Dennis everything will happen in God’s perfect time, tulad nung nangyari ke kuya cesar montano na sa huli nagkabatibati sila nila ate shine at mga anak nila, I’m sure alam ni dani na tinuring mo siya na higit pa sa anak hanga kami sa iyo basta nandun yung Faith mo ke God siya na ang gagawa ng lahat.”

“A loving father indeed, kahit po hindi po ikaw biological father ni Dani but your still manage to be a best father that she ever had. . Stay strong sir Dennis magiging okay din ang lahat,” sey naman ng isa.

Wala pa namang naging tugon si Dani sa pagbati ng aktor sa kanya.

Related Chika:
Dennis Padilla naiyak sa video ng pamamaalam ng mga anak ni Ruffa sa amang si Yilmaz Bektas

Dani Barretto may cryptic post patungkol sa ‘healing’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dani Barretto nakipag-bonding sa mga kamag-anak sa ama, Kier Legaspi absent?

Dennis Padilla hanga sa sinabi ni Ivana; pinatatamaan kaya sina Julia?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending