Jomari Yllana may 'template' nga ba sa bawat babaeng minamahal, sey ni Cristy: Parang walang sinseridad? | Bandera

Jomari Yllana may ‘template’ nga ba sa bawat babaeng minamahal, sey ni Cristy: Parang walang sinseridad?

Reggee Bonoan |November 05,2022
facebook
share this

Jomari Yllana may ‘template’ nga ba sa bawat babaeng minamahal, sey ni Cristy: Parang walang sinseridad?

Reggee Bonoan - November 05, 2022 - 01:46 PM

Jomari Yllana may 'template' nga ba sa bawat babaeng minamahal, sey ni Cristy: Parang walang sinseridad?
NAGIGING laughing stock ngayon si Jomari Yllana dahil daw sa mga sinasabi niyang, “my first and last love.”

Isa ang aktor/politiko sa topic sa “Showbiz Now Na” episode na in-upload nitong Biyernes ng hapon sa YouTube.

Tawa nang tawa ang tatlo dahil tila iisa ang ginagamit na salita ni Jomari sa mga babaeng minahal at mahal niya.

Sabi ni Morly Alinio,“May template.”

“May script?” ito naman ang sagot ni Nanay Cristy.

Sabi ni Morly,“may template, iisa lang ang sinabi niya sa mga babaeng minahal niya, mga naging dyowa niya!”

Hindi muna sinabi nu’ng una ang pangalan ni Jomari pero nang banggitin na ang mga pangalan ng babaeng naugnay sa aktor tulad nina Aiko Melendez, Ara Mina at Abby Viduya ay alam na ng tagasubaybay ng SNN kung sino.

Say ni Morly,“iisa ang sinasabi niya (Jomari). You’re my first and last love?”

Sundot ni Romel Chika, “kung baga recorded na?”

Opinyon ni ‘nay Cristy, “nakakalungkot naman parang walang sinseridad? ‘Yung kay Aiko, tanggap na ‘yan ni Aiko Melendez. Naku, nineteen kopong-kopong pa ‘yang paghihiwalay nila, nakapag-move on na si Aiko at maligaya na si Konsehala ngayon (at) concerned lang niya ‘yung kanilang anak.”

Banggit ni Romel Chika, “oo doon naman niya (sinabi) ‘wag na ako, doon na lang sa anak ko (Andre Yllana). Doon ka bumawi kasi inaantay ka lagi ng anak mo.”

Base naman sa huling panayam ni Jomari ay may komunikasyon sila ng anak na si Andre lalo’t ibinuking pa nitong ayaw muna ng binata na magkaroon ng girlfriend dahil mas prayoridad nito ang karera niya na ngayon ay may bago siyang proyekto mula sa Viva Films.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andre Yllana (@andreyllana)

 

Nasambit pa ni Morly na baka raw natuto na si Jom nang mapanood niya ang panayam ng panganay niya sa YouTube channel ng inang si Konsi Aiko dalawang buwan na ang nakararaan.

“My first and last love,” paulit-ulit na binanggit nina Morly, Romel Chika at ‘Nay Cristy.

Natatawa uling sabi ni Morly “baka may script siyang (Jomari) hawak?”

“Kung sino ang kaharap?” natatawa ring sambit ng batikang manunulat.

“Ito ‘yung pamatay kong linya?” diin naman ni Romel Chika.

Anyway, mahaba pa ang tsikahan ng SNN hosts tungkol kay Jomari na maaliw ka na lang.

May komento kaya si Jomari tungkol dito? Bukas ang BANDERA sa panig ng aktor/politiko.

Related Chika:
Jomari hindi inaakalang makakabalikan si Abby Viduya: Never naming naisip ‘yun

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Andre Yllana natutong magsinungaling para lang magkabalikan sina Aiko at Jomari; mag-ina nagkaiyakan sa vlog

Jomari Yllana pakakasalan si Abby Viduya pagkatapos ng termino bilang konsehal, pero meron pang problema…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending