Angel Locsin 'wanted' sa mga netizens: 'Please help us' | Bandera

Angel Locsin ‘wanted’ sa mga netizens: ‘Please help us’

Reggee Bonoan |November 03,2022
facebook
share this

Angel Locsin ‘wanted’ sa mga netizens: ‘Please help us’

Reggee Bonoan - November 03, 2022 - 02:06 PM

Angel Locsin 'wanted' sa mga netizens: 'Please help us'
NASAAN si Angel Locsin? Ito ang tanong ng netizens dahil ilang buwan nang hindi nagpaparamdam ang aktres.

May limang buwan nang wala sa bansa si Angel kasama ang asawang si Neil Arce dahil buwan ng Hunyo sila tumulang patungong Spain para sa much needed vacation at late honeymoon na rin.

Pero dahil ilang bagyo na ang dumaan sa Pilipinas at huling nanalasa ay ang bagyong Paeng na maraming kababayan natin ang lumubog sa baha na hanggang ngayon ay hindi pa rin sila maka-recover lalo na ‘yung mga barangay na hindi napupuntahang LGU’s.

Kaya dito na hinahanap ng publiko si Angel, ang real-life Darna sa totoong buhay dahil ilang taon na ring ginagawa ng aktres na kapag may mga ganitong problema ay nangunguna siya para maghatid ng tulong sa mga nangangailangan lalo na sa Mindanao area.

Wala sa bansa sina Angel at Neil kaya wala siguro umanong tulong na maasahan ang mga kababayan nating biktima ng baha dahil sa bagyong Paeng at kaya kaliwa’t kanan ang paghahanap sa kanya na mababasang komento sa kanyang Instagram post.

Ang ilan sa mga nabasa namin ay mula kay @aljeanchavez, “Pag ganitong sakuna alam ko po nangunguna Po kau sa pagtulong sana wag Po kau mpagod sa pag tulong salamat po.”

Say ni @aljeanchavez, “We miss u update nman Po kau.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neil Arce (@neil_arce)

Naghuhumiyaw naman ang post ni @shielazee, “Hello po maam angel. PLS HELP US IN COTABATO AND MAGUINDANAO. MADAMI NA PONG NAMAMATAY. TULUNGAN NIYO PO KAMI.”

Gayun din si @kingeugine, “Ms ANGEL, PLS HELP US HERE IN ZAMBOANGA CITY. BINABAHA NAPO LAHAT NG AREAS DAHIL SA BAGYONG PAENG. PLEASE HELP US PO USING YOUR PLARFORMS. WE NEED RESCUE TEAMS AND GOODS LIKE CLOTHES AND FOOD. THANK YOU PO!!!”

Nababahala naman si @eliza_aranzamendez, “Are you ok? You’re not posting and no vids. I miss you.”

Oo nga, huling post ni ‘Gel sa kanyang IG account ay noon pang Agosto 13 kung saan ipinakita niya ang mga lugar na pinuntahan nila ni Neil sa Segovia, Spain.

Anyway, may nakuha naman kaming inside information na kaya walang latest post sina Angel at Neil ay dahil gusto muna nilang maging pribado. At ang alam din namin ay sa 2023 pa sila babalik ng Pilipinas.

 

Related Chika:
Angel, Neil magpapakasal pa rin sa simbahan; Dimples naging instant photog sa civil wedding

Jane de Leon pinayuhan ni Angel Locsin: Ready dapat ako anytime!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wish ni Angel ‘pag nagsama na sila ni Neil bilang mag-asawa: Sana naman gusto rin niya ‘yung gusto ko

Angel Locsin nagbabala sa publiko ukol sa kumakalat niyang fake ads

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending