Wish ni Angel 'pag nagsama na sila ni Neil bilang mag-asawa: Sana naman gusto rin niya ‘yung gusto ko Bandera

Wish ni Angel ‘pag nagsama na sila ni Neil bilang mag-asawa: Sana naman gusto rin niya ‘yung gusto ko

Ervin Santiago |June 11,2021
share this

Wish ni Angel ‘pag nagsama na sila ni Neil bilang mag-asawa: Sana naman gusto rin niya ‘yung gusto ko

Ervin Santiago June 11,2021 - 12:00 PM

HINDI naman ganu’n ka-perfect ang relasyon ng engaged couple na sina Angel Locsin at Neil Arce na nakatakda na ngang ikasal ngayong taon.

Aminado ang Kapamilya actress at TV host na may mga pagkakataon din na hindi sila nagkakaintindihan ng kanyang fiancé pero sa maliliit na bagay lang daw yun nangyayari at wala namang major-major na issue.

Ayon sa award-winning actress, habang papalapit na ang itinakdang araw ng kanilang kasal, may mga usapan na sila ni Neil tungkol sa magiging set-up nila bilang mag-asawa at pagtira sa iisang bubong.

Sey ni Angel, ngayon pa lang ay tina-try na nila ang mag-compromise sa mga bagay-bagay na kakambal ng pag-aasawa at pagbuo ng sariling pamilya. 

“Na-i-stress ako ngayon pa lang. Nakakapag-compromise naman kami. Si Neil naman kasi parang kung ano ‘yung mga gusto niya, gusto ko rin,” pahayag ng aktres sa chikahan nila ng dermatologist ng mga celebrities na si Aivee Teo.

Hirit pa nga ni Angel, “Sana naman gusto niya rin ‘yung gusto ko.” 

At kasunod nga nito, inamin ni Angel na tulad ng ibang magdyowa, may mga pagkakataong nagkakaroon din sila ni Neil ng pagtatalo dahil sa maliliit lang na bagay tulad ng paglalagay ng broom closet sa ipinatatayo nilang bahay para kanilang dalawa at sa mga magiging anak nila in the near future.

Sey ni Angel, “Hindi niya gets ‘yung mga gusto kong magkaroon ng closet for the broom. Hindi niya naiintindihan ‘yun.”

In fact, ito raw ang isa sa mga naging priorities niya noong nagpagawa siya ng sarili niyang bahay, “‘Yun ang una kong pinagawa, promise. Tapos ‘yung kitchen ko.” 

Biniro pa nga siya ni Dr. Aivee na baka raw professional cleaner o maintenance staff siya noong past life niya kaya ganu’n kaimportante sa kanya ang mga gamit sa panglinis ng bahay.

Dito na nga naikuwento ni Angel ang isa sa mga hindi niya malilikutang eksena noong nasa elementary pa lang siya.

“Nu’ng elementary ako, Doc, nami-miss ko talaga ‘yung ibang mga activities sa school kasi nagbo-volunteer ako maging cleaner,” chika pa ng aktres.

Halos dalawang taon nang engaged sina Angel at Neil at dapat sana’y last year pa (November) sila ikinasal ngunit dahil nga sa pandemya ay na-postpone ito.

Last January, sa Instagram post ni Neil siniguro nito na ngayong 2021 ay magiging misis na niya si Angel ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nagbibigay ng detalye ang dalawa kung ano ang eksaktong petsa ng kasal at kung saan ito magaganap.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending