Angel Locsin nagbabala sa publiko ukol sa kumakalat niyang fake ads
PINABULAANAN ng aktres na si Angel Locsin ang mga kumakalat na ad sa social media kung saan ineendorso niya ang isang Chinese cereal brand.
Nitong Lunes ay ibinahagi ng aktres ang screenshot ng ad at sinabing wala itong katotohanan.
Amg naturang ad pala ay edited lamang at pinatungan lang ng larawan ng Chinese cereal brand.
“Fake News! Angel Locsin does not endorse this cereal product, photo on the right side,” saad ng aktres sa kanyang Instagram stories. Isinama rin niya ang original photo na ginamit at in-edit ng nagbebenta ng Chinese cereal brand.
Mula ang larawan sa post ni Angel noong April 2020 kung saan ineendorso niya ang isang brand ng gatas.
View this post on Instagram
Hanggang ngayon ay nananatili pa rin ang fake ad sa isa ring fake Facebook page na “Angel Locsinnn”.
Hindi naman na ito bago sa mga artista dahil kamakailan lang rin nang magbabala si Carla Abellana ukol sa isang weight loss drink na gumagamit ng kanyang larawan at pangalan para makahikayat ng mga mamimili.
Kaya siguraduhing maigi ang mga produktong binibili kung talaga bang legit ito at siguraduhing totoong ini-endorso at pinagkamatiwalaang talaga ang produkto para maiwasang ma-scam.
Samantala, nasa Spain ngayon si Angel kasama ang kanyang asawang si Neil Arce para sa kanilang bakasyon.
Base sa kanyang mga posts sa Instagram ay super nag-eenjoy silang mag-asawa sa kanilang pananatili sa ibang bansa.
Related Chika:
Pia ibinandera na rin ang pag-aaring sosyaling branded stuff: Heart made me do it…nakikiuso lang!
Angel Locsin dedma sa bashers, patuloy na maninindigan para sa tama
Angel Locsin ibinandera ang kanyang ‘resting beach face’, netizens napa-wow
Dimples Romana buntis sa ikatlong baby, muntik maibuking ni Angel Locsin
Iking muling nakapiling si Angel Locsin after 17 years: Superhero ka pa rin sa mata ko, Ate!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.