Juliana Gomez hinangaan sa pagiging sweet sa yaya, puring-puri sa netizens | Bandera

Juliana Gomez hinangaan sa pagiging sweet sa yaya, puring-puri sa netizens

Therese Arceo |November 01,2022
facebook
share this

Juliana Gomez hinangaan sa pagiging sweet sa yaya, puring-puri sa netizens

Therese Arceo - November 01, 2022 - 09:30 PM

Juliana Gomez hinangaan sa pagiging sweet sa yaya, puring-puri sa netizens
NAANTIG ang mga netizens sa ipinakitang pagmamahal ng nag-iisang anak nina Richard Gomez at Lucy Torres na si Juliana Gomez sa kanyang yaya.

Sa YouTube vlog kasi ng actor-politician na in-upload noong Setyembre 11 ay ipinagluto nito ng lobster rolls ang dalaga.

Sa dulong parte ng naturang vlog ay inimbitahan nina Juliana at Richard ang kanilang mga kasambahay para tikman kasama nila ang inihandang pagkain ng actor-politician.

Sa una ay isa lang sa mga kasambahay nila ang makikita sa video hanggang sa tinawag na nga rin nito ang yaya ng dalaga.

“Tawagin mo yaya mo… Yaya talaga ito ni Juliana,” lahad ni Goma.

Kitang-kita naman ang pagiging malambing ng dalaga sa kanyang kinalakihang yaya at ipinagtanggol pa ito sa biro ng ama.

Marami sa mga netizens ang humanga kay Juliana at pinuri ang mag-asawa dahil sa maganda nitong pagpapalaki kay Juliana.

“Richard and Lucy are very good parents you can see how Juliana was raised very well, the way she treats her nanny unlike other celebrity children,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Ang sarap! Also, it’s nice to see how very well they treat their employees. Ang babait nila! Kudos to you Cong. Goma, Lucy and Juliana!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Richard Gomez 🇵🇭 (@richardgomezph)

“You and your wife are such a very good parents to your only beautiful and polite daughter Juliana and all your cooking are delicious in which I have followed and tried cooking some of them,” sey naman ng isa.

Marami rin na nagsasabing sa kabila ng pagiging only child ng dalaga ay hindi ito lumaking spoiled brat gaya ng ibang anak mayaman at hindi rin daw ito matapobre dahil makikitang maayos ang pakikitungo nito sa mga kasambahay.

Related Chika:
Payo ni Goma kay Juliana: Kung pipili ka ng boyfriend, huwag kang pumili na katulad ni Richard Gomez

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lucy may ibinubulong kay Richard kapag uma-attend ng kasal: Hala, tutulo na ang luha niyan!

WATCH: Lucy Torres, Juliana Gomez nagbukingan sa Araw ng mga Ina!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending