Lucy may ibinubulong kay Richard kapag uma-attend ng kasal: Hala, tutulo na ang luha niyan! | Bandera

Lucy may ibinubulong kay Richard kapag uma-attend ng kasal: Hala, tutulo na ang luha niyan!

Ervin Santiago |June 29,2021
facebook
share this

Lucy may ibinubulong kay Richard kapag uma-attend ng kasal: Hala, tutulo na ang luha niyan!

Ervin Santiago - June 29, 2021 - 09:01 AM

AMINADO ang actor-politician na si Richard Gomez na inaatake na siya ng tensiyon ngayong 20 years old na ang anak nila ni Lucy Torres na si Juliana.

Ayon sa mayor ng Ormoc City, parang kailan lang ay karga-karga pa niya ang kanilang unica hija na ngayon nga ay dalagang-dalaga na at may sarili na ring buhay. 

“Lucy just turned 23 when I married her, and now Juliana is 20. Ang bilis ng panahon!” pahayag ni Goma sa isang panayam.

Tawa naman nang tawa ang misis niyang kongresista sa 4th District ng Leyte at ibinuking pa nga siya na naging allergic na rin siya sa salitang “woman.”

Kuwento ni Lucy, nagiging sentimental din daw ang award-winning actor kapag dumadalo sila sa mga kasalan.

“When we attend weddings, kapag father and daughter dance na, I whisper to him, ‘Can you imagine si Juliana ‘yan?’ Hala, tulo na ang luha n’yan! And then he will look up to heaven and say, ‘God, no not yet!’” natatawa pang chika ng kongresista.

“I always tell her, you really have to choose the person you want to marry, who’s going to make you happy,” ang palagi raw advice ni Richard kay Juliana.

Kitang-kita naman sa mga photo, video at vlogs ni Mayor Goma kung gaano sila ka-close ni Juliana kaya hindi rin natin masisisi kung grabe rin ang pagprotekta niya sa nag-iisang anak.

Kamakailan ay kumalat ang balita na nagkakamabutihan na si Juliana at ang Ateneo de Manila University student at kapwa niya fencer na si Miggy Bautista base na rin sa mga sweet photos nila together sa social media.

Ngunit hanggang ngayon ay wala pang inaamin si Juliana tungkol sa tunay na estado ng kanyang lovelife. Maaaring talagang ayaw na muna niyang magkuwento hinggil dito para iwas intriga na rin.

Nagbigay naman ng paalala ang alkalde ng Ormoc City para sa dalaga niyang anak na nasa third year college na sa kursong Public Administration sa University of the Philippines. 

“I told her to take care of herself. Ingat ka kasi ang daming mambobola sa ‘yo. You must learn to differentiate!” payo ni Goma kay Juliana.

Isang malakas na tawa naman ang isinagot ng aktor nang tanungin kung sa tingin ba niya ay bolero si Miggy. 

Sa isang panayam naman, sinabi ni Lucy na, “Who you marry is the most important decision you make, the right partner can make you soar, the wrong one will clip your wings.

Samantala, tungkol naman sa usaping politika, ipinagdiinan ni Lucy na hindi siya atat na atat tumakbo sa pagkasenador sa 2022 elections.

“We just honor the work that we do now for our people. Whatever we do now has nothing to do with the elections,” she said, recalling the time she was an ingenue in the madcap world of showbiz-politics.

“Hindi siya plano or grand dream. Nothing that I have now was pre-planned, kusa lang nangyari. I just flow wherever the waters take you; and just be open to possibilities but not be driven purely by ambition,” aniya pa. 

At kung saan daw siya dadalhin ng tadhana, alam niyang lagi lang nasa tabi niya ang kanyang asawa na handang tumulong sa bawat desisyon na gagawin niya sa kanyang buhay at karera.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Richard is really my warrior, whatever courage I have now I learned from him. He is the type na puedeng lumaban kahit mag-isa lang and walang army!” pahayag pa ni Congw. Lucy Torres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending