Camille Prats inaalala ang yumaong asawa: He was able to have a family…I think that’s my purpose in his life | Bandera

Camille Prats inaalala ang yumaong asawa: He was able to have a family…I think that’s my purpose in his life

Pauline del Rosario |October 31,2022
facebook
share this

Camille Prats inaalala ang yumaong asawa: He was able to have a family…I think that’s my purpose in his life

Pauline del Rosario - October 31, 2022 - 03:35 PM

Camille Prats inaalala ang yumaong asawa: He was able to have a family…I think that’s my purpose in his life

PHOTO: Instagram/@camilleprats

NAGKWENTO ang TV host at aktres na si Camille Prats tungkol sa mga pinagdaanan niya noong namatay ang kanyang unang asawa na si Anthony Linsangan.

Kung matatandaan, noong September 2011 sumakabilang buhay ang kanyang first husband dahil sa cancer.

Mayroon silang anak na si Nathan na isinilang noong 2008.

Binalikan ni Camille ang mga alaala kasabay ngayong undas sa pamamagitan ng YouTube vlog ng kapwa-artista na si Rica Peralejo.

Umamin si Camille na naging mabilis ang mga pangyayari at ito raw ang unang beses na namatayan siya ng mahal sa buhay.

Sey niya kay Rica, “‘Yung panahon na ‘yun, I never had anyone close to me pass away, ever… A few years later, ‘yun nga I got married, that was 2008 and we got married again ng church wedding ng 2010, and then after that, a few months after we got the church wedding, we found out that he had cancer.”

Sa una raw, hindi pa nila kayang tanggapin na na-diagnose ng cancer ang kanyang mister ilang buwan matapos sila ikasal sa simbahan.

Aniya, “I think the wedding was in March and we found out in June.

“Complex checkup na ‘yung ginawa and then ayun, we found out around September.

“It took a while kasi siyempre, we were in denial.”

Nakwento rin niya na nagawa pa niyang magtrabaho at mag-taping habang naka-confine ang kanyang asawa sa ospital para may pangtustos sa mga bayarin.

Chika niya, “So I would tape three times a week… Because we have bills to pay, and I remember the last few months, umuuwi na ako sa ospital.”

“So I have my bed, I bring my bed and then the next morning, doon din ako susunduin ng driver, dala niya lahat ng gamit and diretso na agad sa taping,” patuloy niya.

Noong panahon daw na ‘yun ang pinakamahirap sa kanyang buhay, lalo na’t sinabi na sa kanila ng doktor na hindi na gumagana umano ang treatment ng kanyang mister.

Kwento ni Camille, “There was a certain time there I think about like six or seven months to the treatment na parang sinabi na ‘it’s no longer working.’

“That’s the thing pala about sickness, you just go a day at a time… Because you never know.”

Patuloy na ikinuwento ni Camille na hindi siya makapaniwala sa mga nangyari, pero napagtanto niya raw na may dahilan ang Diyos kaya napagdaanan niya ito.

Sabi niya, “Now I get it why I had Nathan early on, maybe it was because to have Anthony experience how to be a dad na even just for a short while, he was able to experience how it is to be married, to have a family. So I think that’s my purpose in his life.”

Dagdag pa niya, “Ang alam ko lang is that lahat ng nangyayari sa ating buhay ay may dahilan and I was just really holding on to that reason kung bakit siya nangyari.”

Hindi raw madali ang kanyang pagmo-move on at ang naging sandalan niya raw sa buong proseso ng healing ay ang Diyos.

“Ang natatandaan ko noon is that this was also the time that I started transitioning from being a Catholic into being a Christian,” lahad niya.

Aniya, “So I started reading the bible, I enjoyed doing my devos and there was a time na alam mo, nagtu-toothbrush lang ako, ‘yun pala ‘yung ano ‘nun na kapag naggi-grieve ka, hindi ka iyak ng iyak gabi-gabi na parang heartbreak, it will strike you in moments when you’re not prepared.

Ibinahagi niya rin sa vlog ni Rica na hindi niya inaasahang mag-aasawa siya ulit.

Kasalukuyang “happily married” si Camille sa ikalawang mister na si VJ Yambao at mayroon silang dalawang anak na sina Nala Camilla at Nolan.

Sey ni Camille, “Ayoko na mag-asawa, ayoko na mag-asawa.

“Siguro dahil na-realize ko na hindi pala talaga siya madali.

“Maaga akong namulat doon sa buhay ng pag-aasawa na hindi siya walk in the park.”

Sa pagtatapos ng vlog ay ibinahagi ni Camille na marami siyang natutunan sa buhay at isa na raw riyan ay ‘yung magtiwala sa Diyos.

Sabi niya, “10 years ago when I was in Makati Med, watching him breathe his last breath, hindi ko alam na ito ‘yung 10 years after ko at hindi ko ‘yun malalaman unless I pushed through and continued to press on with life.

“We will never know what tomorrow can bring.

“Pero kung sigurado tayo doon sa mga promises ng Diyos, wala ka na siguro dapat katakutan.”

Read more:

Angelica Panganiban, Camille Prats binalikan ang ‘traumatic’ experience noong teenagers pa sa showbiz

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Camille Prats may babala sa netizens ukol sa ‘ineendorsong’ produkto: This is a scam

VJ Yambao aminadong childhood crush si Camille Prats: I choose to love you everyday

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending