Pagbabalik ni Justine Fortune | Bandera

Pagbabalik ni Justine Fortune

Manny Pacquiao - October 01, 2013 - 02:29 PM

MANILA — Isang magandang araw po ulit sa lahat ng mga masusugid kong mga kaibigan, kapamilya at fans lalung-lalo na sa mga sumusubaybay ng kolum na ito sa Bandera.

Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan gaya rin ng inyong abang lingkod. So far, so good! Sa pagpasok ng buwan ng Oktubre, malugod kong ibabalita sa inyo na maganda ang takbo ng training natin sa paghahanda laban kay Brandon Rios sa Cotai Arena sa Macau, China.

Sa Nobyembre 23 (Nobyembre 24 Philippine time), siguradong umaatikabo ang magiging bakbakan laban sa Mexican-American na boksingero. Malugod ko ring ipinamamalita ang bagong surpresa ng aking team — ang pagbabalik ni Justine Fortune.

Si Fortune, ang dati kong strength and conditioning coach, ang tatapos sa nasimulan naming pagsasanay simula noong isang buwan. Kasama ko si Fortune nang magsimula akong manalo kontra kay Marco Antonio Barrera noong 2003.

Hindi ko maisip na sampung taon na pala ang nakakalipas mula noong sumikat ako sa larangan ng boksing. Sa pagpapalit at paglipat ng dati kong strength and conditioning coach na si Alex Ariza sa kampo ni Rios, kinuha ko si Fortune dahil natatandaan ko ang magandang kondisyon na nagamit ko sa laban kontra kina Barrera, Erik Morales, Oscar Larios at iba pa.

Sa hindi pagkakaintindihan nina coach Freddie Roach at Fortune noong 2007, sa laban ko kontra kay Jorge Solis, maganda ring maipakita sa lahat na ang pagpapatawad at pagbabalik-loob ay isang mabuting asal na maituturo natin sa lahat ng tao, lalung-lalo na sa mga bata.

Love your God. Love your neighbor. Love, even your enemy. Iyan ang utos sa atin ng ating Panginoong Diyos. Ang pagtatambal muli ni coach Freddie at Justine, upang masimulan ulit ang pagbabalik ko mula sa pagkalugmok sa dalawang magkasunod na talo, ay simbulo ng pagbabalik ng isang makabagong Manny Pacquiao.

Ang tiwala ko sa aking team na siyang magdadala sa akin sa panibagong sigla at lakas upang manalo ulit, ang magiging hudyat ng pagbabago nating lahat.

Naniniwala ako na ang isang solid na koponan at ang isang magandang training camp ay mga susi para sa matagumpay na kampanya.

Sana po ay ipagpatuloy ninyo ang pananalangin at pagsuporta para sa akin habang ako rin ay nananalangin para sa inyong lahat.

May Almighty God Bless Us All.
Hanggang sa Muling Kumbinasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending