35 candidates ng Cosmo Manila King & Queen 2022 rumampa sa harap ng press, 1 male candidate biglang nag-back out
UNANG beses palang ni Marc Cubales na mag-produce ng bikini pageant, ang Cosmo Manila King & Queen 2022, pero nagkaroon agad ito ng isyu.
Ang nanalo kasing Darling of the Press sa mga male candidates ay ang number 12 na si Nash Mendoza. Nag-tie sila ni number 3 na si Chadd Solano. Pareho silang nakakuha ng 25 stickers.
Sa simula ng programa ay nabanggit na ang mananalong Darling of the Press ay manggagaling sa boto ng invited print media, pageantry influencers at vloggers. Siyempre nang masilayan na ang 35 official candidates ay may kanya-kanyang bet na ang lahat.
Mas nakadagdag pa nang marinig ang mga sagot ng contestants sa Q&A portion dahil dito na nagkalabasan kung sino ang may brain bukod sa beauty.
Sa nakita namin, maraming stickers na nakuha si Chadd Solano at isa kami sa bumoto sa kanya samantalang si Nash ay marami rin pero hindi aabot sa 25 stickers.
Nang iaanunsyo na kung sino ang nanalong Darling of the Press sa male candidates ay bigla itong pinahinto ng staff ng Cosmo Manila King & Queen 2022 dahil may mga hahabol pa raw na maglalagay ng stickers at lahat ay kay Nash nagdikit.
Ang siste, hindi naman taga-media o vloggers at pageantry influencers ang nagdikit kundi mga staff umano mismo ng contest kaya nagtabla sina Nash at Chadd.
Siyempre may tie-breaker at ang pinili ng producer na si Marc Cubales ay si Nash.
Tama naman na prerogative ng producer kung sino ang gusto niyang panalunin pero hindi ba mas maganda kung out siya sa picture?
Ending nabahiran tuloy ng hindi magandang feedback ang nangyaring launching ng 35 candidates para sa Cosmo Manila King & Queen 2022.
Anyway, pagkatapos manalo ni Nash bilang Darling of the Press ay nag back-out na si Chadd sa nasabing patimpalak na sa tingin namin ay sobra siyang nasaktan pero sa kabilang banda ay hindi na rin naman niya kailangang sumali kasi sa Cosmo Manila King & Queen 2022 dahil artista na siya ng Vivamax at may nagawa ng mga pelikula.
Oo nga, kumpara sa mga mga contestant ng Cosmo Manila King & Queen 2022 na magsisimula pa lang. ‘Yung iba naman ay may mga work na rin tulad ng pagiging teacher, fitness coach, model at iba pa.
Samantala, bago nagsimulang rumampa ang mga kandidata at kandidato ay nagbigay ng pahayag si Marc kung bakit niya naisip na mag-produce ng Cosmo Manila King & Queen.
Aniya, “We’re back to normal. As a producer, I would like to be the first to produce a sexy pageant competition, a bikini pageant in a very nice venue.
“Higit sa lahat, para makatulong at magbigay saya na rin sa mga agent at models ng sexy pageant show.
“Yung feeling na nakakapagbigay ng work through producing is good. Maraming masisipag at kilala tayong mga kaibigan na when it comes to production sobrang gagaling at honestly ramdam ko yung dedication nila sa work.
“So, deserve nila talaga na bumalik at magkaroon uli ng opportunity na gumawa ng isang quality pageant like Cosmo Manila,” aniya.
Ang aspiring candidates ng Cosmo Manila Queen 2022 ay sina Jane Usison, Khat Gonzales, Claire Ramos, Sahara Cruz, Ver Johansson, Aya Valdez, Jannah Garcia, Milka Gonzales, Anita Gomez, Arianne Villareal, Jasmine Benigno Castro, Airah Graciela, Dimpol Ortega, Mae Burgos, Neah Cassandra Aguilar, Morena Carlos, at Deberly Bangcore.
Sa Cosmo Manila King 2022 ay sina Hawkin Madrid, Paul Jiggs Venturero, David Soledad, Christian Villarin, Nash Mendoza, Aaron Moreno, John Zafe, Simon Abrenica, Hanz Vergara, Jovy Angel, Ivan Bonifacio, Ronie Palermo, Curt Del Rosario, RJ Absalud at Allen Ong Molina.
Alamin kung sino ang mag-uuwi ng titulo sa November 5 na gaganapin sa Skydome, SM North Edsa to be hosted by Michael Bristol, Joy Barcoma, at John Nite with special guests Paul Salas, Kris Lawrence, Sex Bomb New Gen at Batang Mama.
Part of the proceeds ay mapupunta sa Cosmo Foundation, Gintong Palad & Balikatan Foundation. Cosmo Manila Queen 2022 is produced by Marc Cubales with Ms.Edz Galindez as supervising producer, Leklek Tumalad as casting director, and Bembem Espanto as over-all director.
Nash Aguas umalma sa chikang buntis ang dyowang si Mika dela Cruz
Jennica Garcia napa-react sa viral video nina Jean at Nash noon: Ma, kalmahan mo lang
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.