Janine Gutierrez umaming bet si Paulo Avelino, pero hindi pa ready magpakasal: Huwag namang mang-pressure…
HINDI pa handa sa “married life” ang Kapamilya actress na si Janine Gutierrez at the age of 33.
‘Yan ang inamin ng dalaga matapos itanong ng fans sa kanya sa social media ang tungkol sa pagpapakasal.
Ibinandera ni Janine ang “ASK ME ANYTHING!” vlog na ipinost noong October 21 para ma-update ang kanyang fans matapos ang tatlong buwan na walang YouTube video.
Noong Hunyo pa kasi siya huling nag-upload at miss na miss na raw niya ang kanyang fans.
Sey pa niya, “I missed hanging out with you guys, mostly kayo ‘yung kasama ko ‘nung lockdown with the weekly vlogs and now I am back as promised and to start off, I’d like to post and ask me anything.”
At heto na nga, ilan sa mga tinanong sa kanya ay tungkol sa kanyang “love life.”
Isa na riyan ay kung ready na nga bang mag-settle down si Janine ngayo’y nasa edad 33 na siya.
Sinagot naman ito ng aktres kaagad at sinabing wala pa raw sa kanyang plano ang magpaksal ngayong taon.
Chika niya, “Kanya-kanya talaga siya, like, for other people, they’re happy to get married younger or other people didn’t want to get married at all.
“So ako personally, It’s not in the plans for this year, so ‘yun.
Wala pa, wala pang plans.”
Ngabigay rin siya ng payo sa kapwa niya babae na huwag magpadala sa “pressure” pagdating sa pag-aasawa dahil may sarili naman daw tayong kapalaran.
Sey niya, “I just want to remind everyone, lalo na all the girls here na just you’re because you’re a certain age if you’re 30 or older doesn’t mean you have to get married na.
“I hope you don’t feel pressured ot left behind dahil ang daming nagtatanong.
“When it comes down to it, you’re always on your own timeline and it’s up to you kung ano ‘yung gusto mo with your life, so don’t feel pressure guys and to the people who are askin naman, ‘wag namang mang-pressure, diba, like kanya-kanya tayong journey talaga ‘yan and yeah, there’s no like correct timeline in life.”
Pinapili rin siya ng isa pang nagtanong kung sino ang mas bet niya sa dalawa, kung si Paulo Avelino o Zanjoe Marudo?
Umamin naman si Janine na mas gusto niya si Paulo!
Sa una, pinuri niya muna si Zanjoe at sinabing masaya siyang katrabaho ito, pero sa huli si Paulo ang kanyang napili.
Sabi niya pa, “Siyempre ano, kaka-work lang namin ni Z but sobrang cool ni Z, I’m so happy na ka-work ko siya dito sa next show as in he’s one of the people na talagang gusto kong maka-work sa ABS-CBN kasi his movie with Lovi, ‘yung ‘Malaya’ is one of my favorite movie. Super ganda.”
Aniya, “So ‘yung sagot natin would be Paulo Avelino.”
Matatandaang noong nakaraang taon nang maghiwalay si Janine at Rayver Cruz matapos ang apat na taong relasyon, at ngayon naman ay nali-link siya sa kay Paulo.
Sa huli ng vlog, lubos na nagpasalamat si Janine sa mga walang sawang sumusuporta sa kanya.
“Super ramdam ko ‘yung love and support ninyo, and more thing that I love about you guys is parang you are happy already with what you see and parag I think, what you see is what you get naman when it comes to me, and sobrang na-appreciate ko na parang kilala niyo na ako enough to know and parang hindi niyo ako kinukulit to explain things and I’m so grateful for you guys,” masayang sabi ni Janine.
Read more:
Lotlot de Leon boto nga ba kay Paulo Avelino para kay Janine Gutierrez?
Birthday gift ni Paulo Avelino kay Janine Gutierrez: ‘Prayers and good health…’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.