Maxene Magalona nakatanggap ng bonggang sorpresa mula sa 2 Hollywood stars: Thank you, universe! | Bandera

Maxene Magalona nakatanggap ng bonggang sorpresa mula sa 2 Hollywood stars: Thank you, universe!

Ervin Santiago - October 23, 2022 - 01:43 PM

Maxene Magalona nakatanggap ng bonggang sorpresa mula sa 2 Hollywood stars: Thank you, universe!

Courtney Cox, Maxene Magalona at Jennifer Aniston

“SANA all!” Yan ang nagkakaisang comment ng mga social media followers ng Kapamilya actress na si Maxene Magalona nang makatanggap ng regalo mula sa dalawang Hollywood stars.

Super shookt si Maxene nang dumating ang pa-surprise ng mga idol niya sa hit classic American series na “Friends” na napanood mula 1994 hanggang 2004.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng aktres na na-receive na niya ang isang package mula sa Hollywood actress na si Jennifer Aniston.

Naglalaman ito ng mga produkto mula sa bagong haircare line ni Jennifer na ni-launch isang taon na ngayon ang nakararaan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maxene Magalona (@maxenemagalona)


Bukod dito, nakatanggap din ng regalo si Maxene mula kay Courtney Cox — ito’y mga kandila mula sa business nitong Homecourt.

Ipinost ni Maxene sa IG ang mga natanggap na regalo na may caption na, “How do you know you’re aligned? When the Universe sends you magical gifts from your @friends Rachel @jenniferaniston and Monica @courteneycoxofficial.

“God truly blesses the grateful. I am just overflowing with gratitude and joy. Thank you, Universe,” aniya pa.

Nitong mga nagdaang buwan, ilang kilalang local at international celebrities na ang napadalhan ng dalawang sikat na Hollywood stars ng mga produkto mula sa kanilang business brands.

Unang sumikat sa buong mundo sina Jennifer at Courtney bilang sina Rachel at Monica sa matagumpay na TV series na “Friends.”

Noong May 2021, makalipas ang 17 years nang matapos ang kanilang show, nagkaroon ng “Friends Reunion” kung saan nagkasama-sama sina Jennifer, Courtney, Lisa Kudrow, David Schwimmer, Matthew Perry at Matt LeBanc.

Nagsimulang umere ang “Friends” noong 1994 at natapos ng 2004 na naging top-rated comedy series sa Amerika at nagkaroon ng six straight seasons. Napanood ito sa mahigit 220 territories.

Maxene tuwang-tuwa nang makapasok uli ng sinehan; nagbigay ng 8 benefits ng regular na pagtakbo

Maxene Magalona nag-share ng 6 tips para sa mas solid na relasyon kay Lord: ‘God wants to be your best friend’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jennifer Lopez, Ben Affleck nagpakasal na sa Las Vegas: It’s a beautiful love story that we got a second chance…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending