Iba si Butch Abad sa kanyang mga kababayan | Bandera

Iba si Butch Abad sa kanyang mga kababayan

Ramon Tulfo - October 01, 2013 - 03:00 AM

LUMALABAS na mas kawatan ang mga kongresista at senador na nag-convict kay Chief Justice Renato Corona kesa sa kanya.

Aba’y si Corona ay nahatulan dahil sa hindi niya pagdeklara ng kanyang statements of assets, liabilities and net worth.

Maaaring nakaligtaan lang ni Corona ang pagdeklara ng tunay halaga ng kanyang mga ari-arian at pera sa bangko.

Maaaring naging dishonest siya sa pagbigay ng tunay na halaga ng kanyang kayamanan na naimpok niya sa mga taong siya’y nasa gobyerno.

Ang kanya namang misis ay businesswoman at maaaring ang kinita nilang mag-asawa ay sa legal at marangal na pamamaraan.

Sinong makakapagsabi!

Pero ang mga kongresista at senador na humusga kay Corona ay mas kawatan kesa sa kanya.

Ninakaw nila ang pera ng taumbayan sa pamamagitan ng pagsilid nila sa kanilang bulsa ng pork barrel na dapat sana ay ginastos nila sa kanilang mga constituents.

Walang ginawang ganoon si Corona dahil ang kayamanan na hindi niya idineklara ay kanya at hindi sa ibang tao.

Ngayon, sino ang mas may sala: Si Corona o ang mga mambabatas na humusga sa kanya?

May hindi kami pagkakaunawaan ni dating Sen. Ping Lacson pero saludo ako sa kanya dahil di niya ginalaw ang kanyang pork barrel ng ilang taong nasa Senado siya.

Puwede naman niyang kunin ang pork barrel dahil legal naman ito, pero di niya ginawa ito.

Isa pang kahanga-hanga ay si dating Sen. Joker Arroyo na tumanggap ng kanyang pork barrel o Priority Development Assistance Fund (PDAF) pero diretso ang pera sa mga public hospitals, gaya ng Philippine General Hospital, para sa mga mahihirap na pasyente.

Tanging si Lacson at Arroyo lang ang may moral ascendancy na batikusin ang kanilang mga dating kasamahan dahil sa paggastos ng kanilang PDAF sa illegal na paraan.

Tagahanga ang inyong lingkod sa mga taga-Batanes dahil sa kanilang honesty and integrity.

Sa Batanes, iniiwan ng may-ari ang kanilang tindahan dahil mapagkakatiwalaan ang mga residente dito.

Kapag bumibili ang mga residente ng kanilang mga pangangailangan sa bahay, kumukuha na lang sila sa tindahan na walang bantay pero iniiwan nila ang eksaktong pera para doon sa mga kinuha nilang goods.

Si Secretary Butch Abad, na taga-Batanes daw, ay mukhang hindi ipinanganak na Ivatan, ang tinatawag sa mga natives ng Batanes.

Mukhang hindi mapagkakatiwalaan si Abad ng pera ng taumbayan.

Sinabi ni dating Senator Arroyo na namigay si Abad ng karagdagang pork barrel sa mga senador na bumoto na patalsikin si Corona bilang Chief Justice.
Yan ay isang bribery. Ginamit ni Abad ang pera ng taumbayan sa pagsuhol sa mga hunghang na senador.

Sinamahan kahapon ng staff ng “Isumbong mo kay Tulfo” si Dra. Elizabeth de Guia-Godino sa Department of Justice upang iapela ang kasong carnapping na isinampa sa kanya ng kanyang mister na si William Godino, isang mayamang negosyante.

Si Dra. Godino ay psychiatrist sa Medical City, isang class na ospital sa Pasig City.

Gaya ng sinabi ko noong Sabado, dapat ay patalsikin sa kanilang mga tungkulin ang mga taong humawak ng kanyang kaso: Parañaque Assistant Prosecutor Sherilyn Baes, Parañaque Chief Prosecutor Amerhassan Paudac at Parañaque Judge Noemi I. Balitaan.

Dapat hindi lang patalsikin sa kanilang tungkulin dapat ay ma-disbar o makunan ng lisensiya sa pag-practice ng abogasya dahil sila’y mga estupido.

Paano naging carnapping ang ginawa ni Dra. Godino samantalang conjugal property ang dalawang kotse na diumano’y kanyang ninakaw kay Mr. Godino?

Nangako naman si Prosecutor General Claro Arellano, na personal humarap kay Dra. Godino, na bibigyan niya ng agarang aksiyon ang apela ng doktora.
Si Dra. Godino ay nakalalaya matapos siyang magbayad ng P120,000 na piyansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang carnapping ay isang heinous crime.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending