Pia Wurtzbach ‘richest’ socmed user sa Pinas, kabilang sa ‘Top Earners’ ng Instagram
YAYAMANIN pala pagdating sa social media si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.
Nangunguna kasi siya ngayon sa “Top Instagram Earners” ng Pilipinas, base sa isang pag-aaral ng Chicago-based online lending group na “NetCredit.”
Ayon sa grupo, nasa $3,669,205 o halos P216 million na ang kinita ng beauty queen dahil sa Instagram Ads at sponsored posts sa nasabing social media app.
Sumunod naman sa listahan ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo na nakakuha ng halos P208 million.
Si Anne Curtis ang nasa ikatlong listahan na may halos P172 million.
Si Kim Chiu ay kumita ng halos P100 million sa Instagram.
Habang ang kukumpleto sa Top 5 ay si Andrea Brillantes na may halos P75 million.
Nakapasok din sa listahan ng bansa sina Catriona Gray, Liza Soberano, Nadine Lustre, Alex Gonzaga, at Marian Rivera.
Heto ang kumpletong listahan, pati ang kanilang mga kinita sa Instagram:
2. Kathryn Bernardo: $3,533,360 = halos P208 million
3. Anne Curtis: $2,936,119 = halos P172 million
4. Kim Chiu: $1,712,281 = halos P100 million
5. Andrea Brillantes: $1,281,692 = halos P75 million
6. Catriona Gray: $1,190,233 = halos P70 million
7. Liza Soberano: $968,118 = halos P57 million
8. Nadine Lustre: $354,294 = halos P20.8 million
9. Alex Gonzaga: $349,580 = halos P20.5 million
10. Marian Rivera: $75,709 = halos P4.4 million
Bukod pa riyan, pasok din si Pia sa “top earners” sa buong mundo na kung saan ang nanguna sa listahan ay ang football stars na sina Cristiano Ronaldo at Lionel Messi.
Pasok din ang American TV host na si Ellen DeGeneres at ang popstar na si Justin Bieber.
Ayon sa NetCredit pinagbasehan nila ang kaparehong data na ginamit sa “Instagram rich list” para ma-compute ang “fee-per-ad” ng bawat celebrities at personalities.
As of this writing, mayroon nang halos 14 million IG followers si Queen Pia.
Read more:
Pia Wurtzbach may gustong baguhin sa naging sagot sa Q&A segment ng Miss Universe 2015
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.