Pia Wurtzbach may gustong baguhin sa naging sagot sa Q&A segment ng Miss Universe 2015
KUNG mabibigyan ng chance, may gustong baguhin si Pia Wurtzbach sa isinagot niya sa isang question na ibinato sa kanya sa Miss Universe 2015 pageant.
Sa bago niyang YouTube vlog, ibinahagi ng dating Miss Universe winner ang tungkol dito kung saan binalikan nga niya ang moment na yun sa kanyang beauty pageant journey.
Sabi ni Pia, happy naman daw siya sa naging sagot niya sa naturang katanungan pero na-realize niya pagkatapos niyang manalo sa Miss Universe 2015 na may mga implications din pala ang naging pahayag niya.
“Siguro yung papalitan ko ay yung sagot ko doon sa ibang question. ‘Yung tungkol sa military bases in the Philippines,” simulang pahayag ng dalaga.
Sa isang Q&A segment, natanong si Pia kung ano ang opinyon niya sa presence ng US military sa Pilipinas na sinagot niya ng, “I think that the United States and the Philippines have always had a good relationship with each other.
“We were colonized by the Americans and we have their culture in our traditions even up to this day.
View this post on Instagram
“And I think we’re very welcoming with the Americans and I don’t see any problem with that at all,” ang bahagi pa ng sagot ng aktres.
Nang balikan daw niya ang moment na yun, feeling ni Pia ay nagkaroon ng “lapse” sa kanyang judgment pero naniniwala siya na iyon ang tamang sagot dahil nasa harapan siya ng American audience.
“Kasi ngayon mas napag-uusapan na yung effects ng colonialism. In a few years, I think that answer will come back to me on Twitter.
“Aware ako na that should’ve been better. Yung mga time na yun, di pa naman ganun ka-woke so okay lang na sabihin yun,” paliwanag pa niya.
Sa tanong naman ng kanyang social media followers kung ano ang biggest lesson na natutunan niya after her Miss Universe reign, sabi ni Pia, napatunayan niya na hindi natatapos ang pag-aaral at pagkatuto ng isang tao.
Aniya, sa bawat araw na dumarating meron at meron kang bagong matututunan na maaaring magpabago sa takbo ng iyong buhay at sa pananaw mo sa isang bagay o sitwasyon.
https://bandera.inquirer.net/293681/rabiya-nang-matalo-sa-miss-universe-2020-sabi-ko-maba-bash-talaga-ako-nito-tapos-nanginginig-ako
https://bandera.inquirer.net/312285/catriona-gray-nag-react-sa-qa-ng-miss-universe-ph-2022-i-wish-the-girls-were-given-more-difficult-questions
https://bandera.inquirer.net/298140/kris-pumalag-kay-herbert-sana-wag-mo-na-lang-baguhin-ang-kwento
https://bandera.inquirer.net/293197/liza-umapela-na-sa-senado-para-sa-pagsasabatas-ng-end-child-rape-bill
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.