KZ Tandingan: Hinding-hindi ko po makakalimutan na inampon ako ni Martin Nievera at pinatira sa bahay nila | Bandera

KZ Tandingan: Hinding-hindi ko po makakalimutan na inampon ako ni Martin Nievera at pinatira sa bahay nila

Ervin Santiago |October 19,2022
facebook
share this

KZ Tandingan: Hinding-hindi ko po makakalimutan na inampon ako ni Martin Nievera at pinatira sa bahay nila

Ervin Santiago - October 19, 2022 - 07:53 AM

KZ Tandingan: Hinding-hindi ko po makakalimutan na inampon ako ni Martin Nievera at pinatira sa bahay nila

Martin Nievera, KZ Tandingan at TJ Monterde

HABANGBUHAY tatanaw ng utang na loob ang Asia’s Soul Supreme na si KZ Tandingan sa itinuturing niyang “tatay” sa showbiz — ang Concert King na si Martin Nievera.

Sa pagdiriwang niya ng kanyang 10th anniversary sa entertainment industry, muling nagpasalamat ang award-winning Kapamilya performer kay Martin para sa patuloy na pagmamahal at pagsuporta nito sa kanya.

Nag-celebrate ng kanyang anibersaryo si KZ last Sunday, October 16, sa “ASAP Natin ‘To” kung saan inalala nga niya ang pagsisimula ng career niya noong 2012.

Ito’y matapos siyang hiranging kauna-unahang winner ng reality talent show ng ABS-CBN na “The X Factor Philippines.” Pagkatapos nito ay nagkasunud-sunod na ang kanyang projects at awards.

Hindi rin niya makakalimutan nang maging miyembro siya ng grupong DIVAS kasama sina  Yeng Constantino, Kyla at Angeline Quinto.

Nang matanong kung ano ang unang bagay na pumapasok sa isip niya sa 10 taong pamamayagpag niya sa music industry, ang mabilis na sagot ni KZ ay ang kabutihan sa kanya ni Martin Nievera.

“Ang pinakauna ko pong naiiisip ay inampon po kami ni Martin Nievera sa bahay niya. Hinding-hindi ko po makakalimutan ‘yun.

“Hindi po siguro ako aabot ng 10 years kung hindi ako tinulungan ni Martin Nievera at ng buong pamilya niya from the very beginning,” lahad ng singer-songwriter.

Dito na naging emosyonal ang dalawang OPM icons. Pagpapatuloy ni KZ, “I was a stranger na pinatira niya sa bahay niya. And that is very rare for someone in his stature to do. So sobra po akong thankful.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KZ (@kztandingan)


“It’s not just only my 10th anniversary but it’s our 10th anniversary as a family,” sabi pa ng maluha-luhang si KZ sabay pasalamat uli sa kanyang “Dad”.

Nagbigay din ng mensahe si Martin sa kanyang “anak”, “As your adopted father, I just want you to know how proud I am of you. You’ve done so much in so little time and we’re just so proud of you.”

Sey pa ni Martin sa asawa ni KZ na si TJ Monterde, “We’re so proud that you’ve found not just the talent in this woman, but the heart and soul that you now share.”

Ito naman ang message ni TJ sa pinakamamahal niyang wifey, “Ibang klase. Hindi lahat may ganyang 10 years.”

Ibinuking din ni TJ na kahit big star na ang asawa ay inaatake pa rin daw ito ng insecurity,  “Babe, even though you feel small, a lot of people look up to you.

“We look up to you. I look up to you. Congratulations at marami ka pang maaabot. Kakasimula pa lang,” aniya pa.

Mensahe naman ni KZ sa lahat ng sumusuporta sa kanya mula noon hanggang ngayon, “Sobra lang po talaga akong thankful. I want to thank everybody who’s been there from the beginning.

“Thank you for making my dreams come true. For making me who I am,” dagdag pa ng Kapamilya singer.

Ice Seguerra tambay noon sa bahay ni Martin Nievera: Nakiki-swimming, nakikikain, feeling kapatid ng kids niya!

Martin Nievera super happy pa rin sa dyowang ‘prinsesa’, 10 years nang magkarelasyon

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

KZ Tandingan wala pang planong magka-baby; may mga panahong matagal na nawawalay sa asawa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending