Raffy Tulfo umapela sa mga manufacturer ng noodles: Sana maglagay man lang ng babala…
ISINUSULONG ng senador na si Raffy Tulfo ang paglalagay ng babala sa mga packaging ng instant noodles na posibleng makaapekto sa kalusugan ng mga Pilipino.
Sa kanyang Facebook page ay ibinahagi niya ang kanyang panawagan sa mga manufacturers ng nasabing produkto.
Saad ni Tulfo, “Ang sobrang pagkonsumo ng sodium ay hindi nakakabuti sa katawan. Ayon sa standards, 2000mg ng sodium lang ang dapat na kinokonsumo ng isang tao kada araw.
Itinutulak ni Sen. Idol ang paglalagay ng babala sa mga pakete ng instant noodles para malaman ng ating mga kababayan ang maaaring epekto ng sobrang pagkain ng mga ito.”
Paglilinaw naman ni Tulfo, hindi siya “against” sa pagkunsumo at pagbili ng instant noodles ngunit sana raw ay may babala patungkol sa maaring maidulot ng madalas na pagkain ng noodles.
Aniya, “Hindi ako against sa instant noodles. In fact, mag-manufacture pa tayo dahil affordable ito sa mahihirap nating mga kababayan. Ang akin lang, sana maglagay man lang ng babala na ito ay mataas sa sodium at maaaring magdulot ng kidney problems.”
Sa isa pa niyang Facebook post ay sinabi nito na tila napapabayaan na ang mga mahihirap na mamamayan dahil sa madalas na pagkain ng mga produktong maaalat gaya ng instant noodles.
View this post on Instagram
“1.2M Filipinos po annually ang nagkakasakit po sa kidney dahil sa pagkonsumo ng maaalat na produkto ayon sa National Kidney Institute. Ang instant noodles hindi lang once a day kinakain ng mga mahihirap, kasi ito po ang kanilang abot-kaya. Kaya nga ang tawag dito ay ‘poor-man’s food’,” lahad pa ng senador.
Bukod sa kanyang iminumungkahing paglalagay ng babala sa mga packaging ay ang aralin ang alternatibong magnesium chloride sa noodles.
“If you know that these products are not good for the health of the Filipino people, dapat po ay umaksyon na kayo agad, at kayo mismo ang gumawa ng initiative to refer the issue to the agency concerned. Hindi ‘yung sasabihin ninyong hindi n’yo trabaho ‘yan at magtuturo kayo ng ibang departamento,” pagdidiin pa ni Tulfo.
Related Chika:
Raffy Tulfo nanawagan kay Pangulong Duterte na magdeklara ng ‘national day of mourning’ sa pagkawala ni Susan Roces
Raffy Tulfo nalagasan ng libu-libong subscribers sa YouTube, dahil nga kaya sa pagkanta sa ASAP?
Julius Babao nagpaalam na sa ABS-CBN, papalitan daw si Raffy Tulfo sa news program ng TV5
COC ni Raffy Tulfo sa pagkasenador pinakakansela ng nagpakilalang ‘legal wife’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.