Cristy kinontra si Lolit sa tambalang Alden-Bea, payo sa kaibigan: 'Wag ka nang bibili ng stress, unang kalaban ng katawan natin yan | Bandera

Cristy kinontra si Lolit sa tambalang Alden-Bea, payo sa kaibigan: ‘Wag ka nang bibili ng stress, unang kalaban ng katawan natin yan

Reggee Bonoan - October 18, 2022 - 02:45 PM

Cristy kinontra si Lolit sa tambalang Alden-Bea, payo sa kaibigan: 'Wag ka nang bibili ng stress, unang kalaban ng katawan natin yan

Bea Alonzo, Alden Richards, Lolit Solis at Cristy Fermin

“SI Manay Lolit (Solis) high and mighty dati talagang halos lahat ng artista natatakot sa kanya, ito ngayon ang isang Shirley Kuan, ang isang Bea Alonzo na ni sa panaginip ay hindi niya naisip na kokontrahin siya’t sasagutin siya! May katapat po!”

Yan ang diretsong pahayag ni Nanay Cristy Fermin tungkol sa isyung pambu-bully daw ng kilalang talent manager kay Bea.

Sa “Showbiz Now Na” YouTube channel nina ‘Nay Cristy kasama sina Romel Chika at Morly Alinio na in-upload kahapon ay ang panayam sa manager ni Bea na si SK (tawag kay Shirley) ang kanilang topic dahil ipinagtatanggol siya nito laban kay Manay Lolit.

Panimula ni Nanay Cristy, “Ito po (isyu) ay sasalatin naming tatlo na may mabigat na puso dahil kasama po namin sa aming trabaho ang dalawang tao na tatalakayin namin kung ano ang nagaganap sa kanila ngayon.”

Ayon kay Romel, “Ginagawa lang po ng isang manager na si Ms. Shirley Kuan ang kanyang trabaho bilang pagpoprotekta sa kanyang talent.  Lahat ng sinabi ni Ms. Shirley Kuan ay sinasagot niya sa lahat ng sinulat ni manay Lolit sa IG niya na kung ano lang ang isinulat, ‘yun lang ang sinasagot.”

Sabi naman ni Morly, “Ako ate Cristy nang mabasa ko at mapanood (video interview) ‘yung mga sinabi ni Shirley Kuan ay nakita ko ang isang tulay na umaalog-alog na dating napakatibay na puwedeng maging dahilan ng pagkasira nina manay Lolit at ni Shirley Kuan. Kasi ‘yung mga binitwang pahayag ni Shirley Kuan ay bilang isang manager (at) natural pangalagaan moa ng iyong talent.

“Kay Manay Lolit naman sobra akong nasasaktan dahil una, maysakit na siya, pangalawa, may edad na siya, pangatlo at higit sa lahat ay ‘yung friendship at pagmamahal niya na naibigay niya sa movie press ay talagang matindi, isa siya sa nirerespeto nating manunulat at higit sa lahat, manager.

“Posible pa itong mapunta sa demandahan dahil almost ng sinabi ni manay Lolit ay libelous, so, anuman ang mangyari dito ate Cristy, ‘yun ang aabangan natin,” aniya pa.

Sina Shirley at Manay Lolit ay miyembro ng samahan ng talent managers na PAMI at dahil sa gulo nilang dalawa ay nag-resign na ang huli bilang miyembo tatlong araw na ang nakararaan.

Ang punto de vista naman ni Nanay Cristy sa hidwaan ng dalawang manager, “Napanood kop o ng buung-buo ‘yung paglalahad ng sagot ni Tita Shirley tungkol sa…halos isang taon na pala ang pambu-bully ni manay Lolit kay Bea Alonzo sa kanilang interpretasyon.”

Ipinakita ang video interview ni SK sa “SNN” YT na nagsimulang i-bully ni manay Lolit si Bea noong bagong pasok ito sa GMA 7.

Inisa-isa ng manunulat at online host ang mga sinabi ni Manay Lolit, “Una masyado ng may edad si Bea Alonzo para kay Alden Richards (ipinakita ang IG post ni Manay) bilang magkatambal sa Start Up PH ng GMA 7. Ikalawa matanda na si Bea (muling ipinakita ang IG post) kumpara sa kanyang kaedaran. i
Ikatlo power player itong si Bea Alonzo (another IG post) at ikaapat sinaktan siya ng todo-todo dahil sa hindi sila pagkakasama sa presscon ng produkto po na ineendorso ni Bea Alonzo.”

At ang stand ni Nanay Cristy, “Ako kahit titigan ko ng isang oras ang mukha ni Bea Alonzo, wala akong nakikitang pelegis (stretch marks) at ilang ulit ko mang titigan sina Alden Richard at Bea Alonzo at napapanood ko naman ang Start Up PH sa GMA 7, wala akong nakikitang napakalaking agwat ng kanilang edad.  Dapat lang silang pagparehain. Kung baga solido, maganda, nararapat, bagay.”

Nabanggit din ni ‘Nay Cristy na inamin ni SK na siya ang nagpatanggal ng mga pangalan nina manay Lolit, katotong Gorgy Rula at editor na si Salve Asis sa guest list ng media launch ng produktong ieendorso ni Bea (ipinakita ang video interview ni Shirley Kuan)

“Walang magtutulak sa kanyang alaga sa balwarte ng mga Leon at Tigre para lapain ang kanyang alaga sa isang presscon na dapat ay masaya, proteksyon ang tawag do’n.  Ayaw daw maniwala ni manay Lolit (na si SK ang nagpatanggal). Ito hampas sa kalabaw sa kabayo latay nito ang dating sa akin,” sabi nito.

Sabi raw ni Manay Lolit ayon kay Nanay Cristy, “Ayan tingnan n’yo tuloy ang produkto niya hindi nabebenta!  Hindi ba wasak na wasak na do’n si Bea, wasak pa ‘yung produkto ng kaibigan niya (owner of beauty products).”

“Dalawa bale ang nasaktan niya!” diin ni Morly.

At ipinaliwanag ni Morly na normal sa isang gaganapin na media launch na iuutos ng magpapa-presscon sa publicist niya na mag-imbita ng media practioners na imbitado at ido-double check ng manager at most of the time may mga natatanggal talaga.

“Pag nalaman ng reporter na kasama ka pero pinatanggal ka normal na sasama ang loob mo, pero bilang mamahayag huwag sasama ang loob mo dahil ang presscon ay hindi naman kabuuang buhay ng isang reporter,” paliwanag ni Morly.

Panig naman ni ‘Nay Cristy, “Sa mundo ng showbiz na punumpuno po ng ego, napakasakit kay manay Lolit na natanggal siya sa listahan ng mga naimbita sa presscon, pero dapat inalam niya kung bakit dahil sabi nga ni tita Shirley nu’ng pumirma si Bea Alonzo ng kontrata sa GMA (ay) doon nagsimula ang pambu-bully.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)


“Sabi nga niya (SK), ‘ang mga bully na tao ang pinaka-duwag na tao sa mundo (sabay pakita ng video interview ni Shirley) na totoo naman!

“Ako nga ang interpretasyon ko doon, ang mga bully na tao nu’ng mga nakaraang buhay nila at kabataan nila, binu-bully ng husto kaya ito ang pagkakataon na nakikita nila para sila naman ang makapam-bully at makaganti!”

Naibahagi rin ni Nanay Cristy na kapag nagte-text si Manay Lolit o tumatawag sa kanya ay lagi raw nitong nasasabi ng, ‘kabsat hindi pa rin maganda ang kalagayan ko ang sitwasyon ko. Sana gumaling na tayo.

“Isa lang ang sinasagot ko sa kanya, ‘kabsat ‘wag ka ng bibili ng stress. Ang stress ang unang kalaban ng katawan natin lalo na ikaw may dinaramdam ka ngayon.’  Yun ang lagi kong payo sa kanya,” aniya pa.

Sa mga natatanggap na masakit na salita ni Bea ay tiyak na nasasaktan ang pamilya niya pero hindi nagsasalita ang mga ito lalo’t isang taon na ito.

“May hangganan (na) kapag araw-araw na pong ginagawa ang pamumuna, ang pambu-bully, pamimintas at kung anu-ano pang negativity, napakasakit na no’n.  Talagang magbibigay nap o ng reaksyon ang panig ng tinatamaan,” paliwanag ni Nanay Cristy sa sitwasyon.

Dagdag pa, “May kasabihan nga, mabu-bully moa ng isang tao sa ilang pagkakataon pero hindi mo mabu-bully ang isang tao sa lahat ng pagkakataon.”

Ipinaliwanag din ni ‘Nay Cristy na marami silang pinagsamahan ni manay Lolit at nagkakatulungan sila, pero pagdating sa prinsipyo ay magkaiba sila.

At dito na ikinuwento ni Nanay Cristy na naging witness siya nina Piolo Pascual at Sam Milby ng kasuhan nila si manay Lolit ng libelo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


Ito ‘yung sinulat na nakitang magkahawak-kamay daw na naglalambingan ang dalawang aktor sa isang sikat na Hotel sa may Roxas Boulevard, Pasay City.

“Alam n’yo ba hindi pa po siguro ninyo alam ito na sumama ang loob sa akin ni manay Lolit at ng kanyang mga kasama kasi ‘yung sinasabi niyang oras sa kanyang panulat kung saan nakita ng source niya si Piolo at si Sam sa isang hotel na magkasama at naglalambingan, ‘yun ‘yung panahong magkasama po kami ni Piolo sa lobby ng ABS-CBN.

“Sinulat ko sa aking kolum na kahit mag-chopper si Piolo hindi siya aabot doon sa hotel mula sa ABS-CBN sa oras na sinasabi ng source ni manay na nakita si Piolo at si Sam.

“Tinawagan ako ni Mr. M (Johnny Manahan), ‘Cristy puwede ka ba naming maging witness?’ (sagot ni nanay), ‘saan po?’ ‘Doon sa sinulat mon a imposibleng nasa hotel si Piolo at si Sam dahil kasama mo si Piolo sa lobby ng ABS?’ (sagot ni nanay), ‘sir opo sa ngalan ng katotohanan tatanggapin kop o na maging witness.’

“Naging witness ako do’n, kilala ako ni Manay Lolit na sa ngalan ng katotohanan sumusugal ako at ilang beses ko ng napatunayan sa kanya ‘yan. Magkaibigan kami, nagkakasama kami sa maraming pagkakataon lalo na programa, pero alam kong alam niya na sa ilang pagkakataon (ay) nilabanan ko ang kanyang gusto sa ngalan ng prinsipyo.

“Walang nasira na tulay pareho pa rin naming tinatawiran pero sinasabihan ko siya, ‘wag ka ng bibili ng stress.  ‘Wag mo ng problemahin ang mga problemang puwede namang hindi pansinin tigilan mon a itong kay Bea Alonzo,” pagtatapat ni Nanay Cristy.

Lolit Solis nagtataka kung bakit tinatawag na ‘bully’: Never akong nagbago

Lolit Solis sa pag-amin ni Shirley Kuan na pagpapatanggal sa kanya sa presscon: Balewala sa akin ‘yon

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ogie Diaz nag-react sa isyu nina Lolit at Bea: Sa edad niyang ‘yun, nai-scratch pa ‘yung pangalan niya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending