Pambansang Kolokoy negang-nega sa mga fans ni Marites, pero mukhang happy naman sa bagong 'life' | Bandera

Pambansang Kolokoy negang-nega sa mga fans ni Marites, pero mukhang happy naman sa bagong ‘life’

Reggee Bonoan |October 18,2022
facebook
share this

Pambansang Kolokoy negang-nega sa mga fans ni Marites, pero mukhang happy naman sa bagong ‘life’

Reggee Bonoan - October 18, 2022 - 08:13 AM

Pambansang Kolokoy negang-nega sa mga fans ni Marites, pero mukhang happy naman sa bagong 'life'

Joel Mondina at Marites Mondina

IPINAKILALA na ng sikat na vlogger na si Pambansang Kolokoy o Joel Mondina sa tunay na buhay ang bunso niyang anak na babae na si Joelliana.

Mapapanood ito sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel na in-upload dalawang linggo na ngayon ang nakararaan.

Ipinakita sa vlog si Baby Joelliana noong bagong silang siya na umiiyak pa hanggang sa naiuwi na sa bahay hanggang sa lumalaki na.

Sa tingin namin ay almost two months na ang baby girl ni Pambansang Kolokoy nang mapanood namin ang eksenang habang naliligo silang mag-ama sa shower. Isinasama rin niya ang sanggol kapag kumakain sila sa labas kasama ang iba pang mga anak na sina Aaron, Jason at CJ.

Kapag kasama ni PB ang mga anak ay laging nasa trip sila o kaya’y nagka-camping na feeling namin ay ito ang bonding moments nilang mag-aama dahil siguro may ibang araw ding kasama nila ang kanilang inang si Marites Mondina.

Nabanggit ni Joel na co-parenting sila ni Marites pero hindi binanggit kung may certain araw ang mga anak nila sa nanay nila o baka kay Kolokoy sila nakatira dahil abala ang ex-wife niya sa trabaho.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pambansang Kolokoy (@pambansang_kolokoy)


Hindi lang kami sigurado kung natuloy din si Marites sa pag-aaral ng abogasya sa Loyola University Chicago, Illinois.

Isinama ito sa vlog ni PB noong 2021 na nakatanggap ng acceptance letter si Marites mula sa Loyola University of Chicago.

Birong sabi ni PB noon, “Kapag natuloy po ‘yun in God’s will, papalitan nap o namin ang title ng vlog namin, Ang Kriminal at ang Abogado.” Sabay batok sa kanya ng dating asawa.

Going back sa bunsong anak na baby girl ay tuwang-tuwa naman ang mga kuya niya na karga-karga siya na inakala pa nga ng ilang netizens ay anak ng panganay ni PB.

Anyway, hindi pa inilalantad ni Joel kung sino ang nanay ng bunso niyang anak pero may mga nakita kaming video clips at model type ang girl na maganda na taga-Las Vegas na kaya pala madalas doon si Kolokoy.

Tanda namin napanood namin sa isang episode nina PB at Marites na laging tinatanong ng huli kung bakit madalas siyang pumunta ng Las Vegas at tanging sagot ng una ay dahil sa imbitasyon para sa collab na totoo rin naman dahil marami siyang videos doo .

Madalas sa video ay nagseselos si Marites at tinatanong si Kolokoy kung sino na naman ang mini-meet niya na akala namin ay biruan lang nila para sa views, iyon pala seryoso ito at totoong nangyari.

Narito ang mga nabasa naming komento mula sa netizens.

Mula kay @Princess Marie, “I feel bad for Ms. Marites. There’s rumors circulating from PKs friends that she’s suicidal reason why PKs scared to leave her. They even mention a scenario when she would go to Pks friends house and start humiliating and yelling at Pk in front of all his friends. I don’t know how true it is. What bothers me is that their 20 years relationship went down the drain. He was able to introduce his baby girl and sooner or later his new Gf. I feel Ms. Marites. I feel bad for her.”

Say naman ni @Donah Obarco Pinay in JAPAN, “I think PKå wants baby girl tapos I think Marites would not want to have kaya nag loko.”

Galing kay @Jhing Cruz, “Sa tingin ko naman surrogate baby siguro. Nakita namin si Marites sa LA fiesta napakatanda talaga suplada din siya si PK ang mabait pumapayag mag picture. Parang napakabata at ganda naman ng babae na ‘yan para kay PK siguro surrogate ang bata.”

Sumagot si @Donah Obarco:Pinay in JAPAN, “ang lalake pag nakatikim ng ginhawa at kasikatan nag-iiba. Matanda na ung ex-wife nya at 5 na anak nila para kailangan dumagdag pa PK ng anak. Nabuntis n’ya kamo ang kabit. Parang matagal ng alam ni Marites si kabit. Dinivorce na lang nung nabuntis si kabit.”

Pabor naman si @YAD GLOW, “I’m okay if they’re separated. I also don’t wanna judge but it’s really disrespecting for Kolokoy to continuously show various several women on his blogs as if Marites and him had been separated for a long time bruh like give marites time to heal before turning your whole life around and publicly flaunting it as if Marites was never part of it and as if he’s happy as he’ll ever be.”

“I get that Kolokoy needs views but man most of his contents nowadays are with girls kinda being inappropriate. Gone was the wholesome and funny contents I became a fan for. Just like recently his thumbnail was him and Mystica in each other faces making it look like they’re about to kiss and they’re flirting within the video too it’s cringe.”

Natuwa naman si @Anabelle Martizano sa baby girl ni PK, “Ang cute parang Vietnamese.”

Maraming maanghang na komento na hindi na lang namin ilalathala pero mababasa naman ito sa comments section ng YT ni Pambansang Kolokoy.

Pambansang Kolokoy dedma sa bashers, patuloy pa ring gagawa ng videos online

Confirmed: Pambansang Kolokoy at Marites Mondina hiwalay na

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Netizens naiyak sa huling video ng naghiwalay na mag-asawang sina Pambansang Kolokoy at Marites Mondina

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending