Mga besh, may magandang benepisyo pala ang pagiging ‘Marites’! 

Mga besh, may magandang benepisyo rin pala ang pagiging ‘Marites’! 

Pauline del Rosario - April 18, 2024 - 12:54 PM

Mga besh, may magandang benepisyo rin pala ang pagiging ‘Marites’! 

INQUIRER stock photos

MAY bago akong chika sa mga ka-Marites natin all over the universe!

Naku, mukhang ikatutuwa niyo ito dahil may mga nakukuha palang magagandang benepisyo ang pagiging tsismosa.

Yes, yes, yes, mga ka-BANDERA, tama ang nabasa niyo.

Sa katunayan nga ay napatunayan na ‘yan sa isang pag-aaral mula sa mga sikat na eskwelahan sa Amerika gaya ng Stanford University at University of Maryland, ayon sa report ng New York City breakfast show na CBS Mornings.

Ayon sa mga mananaliksik, ang pag-uusap tungkol sa ibang tao o pagchichismis ay nakakatulong na alamin kung sino-sino ang mga tunay na kaibigan.

Baka Bet Mo: SHOWBIZ WRAPPED: Ogie Diaz ‘patron’ ng mga marites

Bukod diyan, nagpapatibay rin daw ito ng samahan ng mga tao at nagdudulot ng pagtutulungan sa bawat isa.

“There’s a study that found ‘gossip’ and ‘gossiping’ can actually be a good thing,” panimula ng broadcast journalist na si Gayle King sa kanyang ulat.

Paliwanag niya, “Researchers from Stanford and the University of Maryland say the average person who spends an hour per day talking about others, they say this can have social benefits including helping people to decide who can associate with, people bond together and helping them to cooperate.”

Siyempre, be aware din mga ka-BANDERA, dahil hindi naman lahat ng pagma-Marites ay totoo.

May mga tao pa rin na nagkakalat ng mga maling impormasyon, balita at kwento na posibleng makasira ng kanyang kapwa.

At ‘yan ang kailangang bantayan dahil ito ang nag-iisang “red flag” pagdating sa mundo ng chismis.

Paglilinaw ni Gayle, “The gossip is only helpful if it’s TRUE.”

Ipinaliwanag din ng news anchor sa report na ang konsepto ng chismis ay tungkol sa pag-unawa sa mundo sa ating paligid.

Ito, aniya, ay paraan upang makipag-ugnayan sa isa’t-isa.

Dagdag niya, “They said gossip can validate our emotions, we feel like we have prized information that others find valuable because we’re social creatures, naturally drawn to each other.”

“The biggest misconception is that gossip is always negative –not true. The primary reason people do it is because they really just want to make sense of our environment,” ani pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by CBS Mornings (@cbsmornings)

Malinaw ang nais iparating ng pag-aaral, ang tsismis ay hindi laging masama!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 Tulad ng sinabi ni Gayle, gamitin ang pagma-Marites nang wasto at magtulungan upang magbigay-lakas sa isa’t-isa at hindi para manira ng ibang tao.

Agree ba kayo dear readers sa bagong research study tungkol sa mga positibong dulot ng pagiging Marites?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending