Nina makikipagbiritan sa rock legend na ‘Michael Learns To Rock’; balak magpaka-international star | Bandera

Nina makikipagbiritan sa rock legend na ‘Michael Learns To Rock’; balak magpaka-international star

Pauline del Rosario |October 13,2022
facebook
share this

Nina makikipagbiritan sa rock legend na ‘Michael Learns To Rock’; balak magpaka-international star

Pauline del Rosario - October 13, 2022 - 06:35 PM

Nina

PHOTO: Instagram/@soulsiren_nina

LEVEL up ang tinaguriang “Diamond Soul Siren” na si Nina dahil siya ang napiling special guest sa nalalapit na concert tour sa bansa ng international rock legend na “Michael Learns To Rock” ngayong buwan.

First stop diyan ang Manila concert na magaganap sa October 26 sa Araneta Coliseum sa Quezon City.

Susunod ay sa Cebu sa October 28, at sa October 30 naman sa Davao.

Sa press conference na naganap online ngayong araw, October 13, sinabi ni Nina na super excited siya at feeling positive sa concert.

Sey pa nga niya, “I’m feeling thankful, feeling honored and I’m much more excited kasi international ang makakasama ko.”

Nang tanungin naman si Nina kung ano ang favorite song niya ng banda, kaagad niyang ni-reveal na ito ang 1996 song na “Paint My Love.”

Inamin din niya na iba ang naging “impact” sa kanya ng bandang “Michael Learns To Rock.”

Sabi pa niya, “‘Yung simplicity ng song nila in a way na lahat ng tao kayang kantahin ang song nila.”

“Simple pero iba ang lakas ng dating,” aniya.

Chinika niya rin samin na kung siya naman daw ang papipiliin sa kung alin sa mga kanta niya ang gusto niyang magawan ng song cover ng band icon, ito raw ‘yung hit song niya na “Someday.”

Sey pa niya, “Tingnan natin kung maging rock version.”

Ang concert ng Danish soft rock band sa bansa ay parte ng kanilang “Back On The Road Tour.”

Kamakailan ay ibinahagi ng banda sa social media ang recent milestone nila na kung saan sila ay nakakuha ng isang bilyong streams para sa kanta nilang “Take Me To Your Heart” na inilabas pa noong 2004.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Michael Learns To Rock (@michaellearnstorock)

Ilan sa mga greatest hits nila ay ang “That’s Why (You Go Away),” “25 Minutes,” “Sleeping Child,” “The Actor,” “Out of The Blue,”  “Complicated Heart,” “Nothing To Lose,” “Breaking My Heart,” “You Took My Heart Away,” at marami pang iba.

Samantala, ibinunyag din ni Nina na balak niyang pasukin ang international music scene.

Chika pa niya na plano niyang maglabas ng bagong single sa Amerika ngayong taon o sa susunod na taon.

Read more:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

World tour ni Justin Bieber kanselado, Manila concert damay rin

Chris Martin ng ‘Coldplay’ may ‘serious lung infection’: Brazil concert ng banda kanselado

Ne-Yo may one-night concert sa bansa, Catriona Gray nag-react: ‘Lava walk part 2?’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending