True nga ba ang chika, Ex-PBB housemate Rhys Miguel minolestiya ni Patrick Quiroz? | Bandera

True nga ba ang chika, Ex-PBB housemate Rhys Miguel minolestiya ni Patrick Quiroz?

Ervin Santiago |October 12,2022
facebook
share this

True nga ba ang chika, Ex-PBB housemate Rhys Miguel minolestiya ni Patrick Quiroz?

Ervin Santiago - October 12, 2022 - 05:14 PM

True nga ba ang chika, Ex-PBB housemate Rhys Miguel minolestiya raw ni Patrick Quiroz?

Patrick Quiroz at Rhys Miguel

VIRAL na ngayon ang pasabog na video ng dating Rise artist na si Rhys Miguel kung saan inakusahan niya ang singer-actor na si Patrick Quiroz ng pangmomolestiya.

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang rebelasyon ni Rhys na dating housemate sa “Pinoy Big Brother” patungkol kay Patrick na nakasama niya sa first season ng Kapamilya web series na “He’s Into Her”.

Ayon kay Rhys, naganap ang umano’y panghaharas sa kanya ni Patrick nang magkasama sila sa lock-in taping nila para sa isang proyekto.

Sa isang 22-minute video ni Rhys sa Instagram Live, ikinuwento niya kung ano ang ginawa sa kanya ni Patrick. Sa unang bahagi ng video, tinanong muna niya ang kanyang followers, “Kilala n’yo si Patrick Quiroz?”

View this post on Instagram

A post shared by Rhys Miguel (@rhys_miguel)


Nang may mga sumagot na ng “yes” saka nlya inilahad ang nangyari, “Nakita ko siya sa isang taping. Sa una wala akong problema sa kanya, pero binabastos niya mga babae na kasama namin.

“Yung babae, may hawak na lollipop, tapos ‘yung sinasabi ni Patrick, ‘wow, buti naman kasya ‘yung malaki sa bibig mo,'” aniya pa.

Gusto raw sana niyang komprontahin at suntukin sa mukha si Patrick pero pinigilan daw niya ang sarili. Wala rin daw siya nang mangyari ang insidente at hindi personal na nasaksihan ang sumbong ng mga kasamahang babae.

Pero ang talagang hindi niya pinalampas ay ginawang pambabastos umano sa kanya ng singer-actor sa taping.

Rebelasyon ng PBB ex-housemate, nagising na lang siya sa kanilang kwarto kasama si Patrick at nakita ang nagkalat na tissue paper na ginamit daw ni huli matapos paligayahin ang sarili.

“Noong natulog ako, ‘yung buong tabi ko, lahat ng tissues na ‘yan… had cum filled with it.

“After that, noong nagising ako, eto na raw, malambot ‘yung hotdog ko. Jinaj*k*l niya ‘yung lambot ng hotdog ko,” sabi ni Rhys na ang tinutukoy ay ang kanyang private part.

Tumayo at hinabol daw niya si Patrick pero nakapagtago raw ito kaya hindi na niya na-confront ng harapan.

Sabi ni Rhys, kahit matagal nang nangyari ang insidente ay sariwang-sariwa pa rin ito sa isip niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya okay at talagang may trauma pa siyang nararamdaman.

Ipinagdiinan niya na nagsasalita siya ngayon “to spread awareness and to tell his own story.”

Dagdag pa ni Rhys, marami pa siyang nalalamang sikreto ng mga kasamahan niya sa industriya pero wala siyang balak na ipagkalat ito dahil hindi naman siya diretsahang involved sa mga ito.

Paglilinaw pa niya, hindi siya agad nagsalita tungkol sa nangyari at mas pinili munang manahimik dahil  alam niyang ipatitigil ng kanyang magulang ang production at airing ng tinutukoy niyang teleserye.

“If this came out, the series is over. But I kept going, I stayed strong for the series,” aniya pa.

“Sabihin n’yo kahit anong gusto n’yong sabihin. Sinasabi ko lang ’yong totoo. Itanong mo kahit kaninong cast members ko kung ano ’yong totoo alam nila lahat,” dagdag pa ng binata.

“Actually, mas marami akong p’wedeng i-spread na tsismis sa mga cast members ko. Hindi ko sasabihin kasi hindi ’yan ’yong story ko. Ito ’yong story ko,” dagdag pa ni Rhys.

“I don’t care if I’m trending. Ang gusto ko gawin ’yong awareness… Wow! Lalaki, may hitsura, artista pa… whatever. Ganu’n pa rin ’yong ginawa n’ya… Hindi ako okey. Nangyari ito last year. Hindi pa rin ako okey,” reaksyon ni Rhys sa mga nababasang komento ng netizens.

Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ni Patrick hinggil sa akusasyon ni Rhys na nagbabala pang magdedemanda kaugnay ng nangyari sa kanya.

Nagpadala na kami ng mensahe sa Cornerstone Entertainment na siyang humahawak sa career ni Patrick para hingan ng pahayag ngunit hindi pa kami sinasagot.

https://bandera.inquirer.net/311513/janella-salvador-julia-barretto-muling-nagkita-friends-na-kaya-ulit

https://bandera.inquirer.net/288446/patrick-at-nikka-garcia-may-baby-boy-na

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/286787/bl-actor-hinaras-nga-ba-ng-direktor-kaya-magdedemanda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending