Banat ni Vice sa basher ng MMFF entry nila ni Ivana: Walang mali sa kulot, ang mali ay yung ang nega, nega, nega mo!!! | Bandera

Banat ni Vice sa basher ng MMFF entry nila ni Ivana: Walang mali sa kulot, ang mali ay yung ang nega, nega, nega mo!!!

Ervin Santiago |October 11,2022
facebook
share this

Banat ni Vice sa basher ng MMFF entry nila ni Ivana: Walang mali sa kulot, ang mali ay yung ang nega, nega, nega mo!!!

Ervin Santiago - October 11, 2022 - 05:49 PM

Banat ni Vice sa basher ng MMFF entry nila ni Ivana: Walang mali sa kulot, ang mali ay yung ang nega, nega, nega mo!!!

Ivana Alawi at Vice Ganda

SUPALPAL kay Vice Ganda ang isang netizen na nag-react at nagkomento sa teaser trailer ng Metro Manila Film Festival 2022 entry nila ni Ivana Alawi na “Partners In Crime.”

Hindi pinalampas ng TV host-comedian ang naging reaksyon ng naturang netizen sa kanilang pelikula na ipinrodyus ng Cinema at mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.

Makikita kasi sa nasabing teaser na ipinost ng ABS-CBN sa kanilang social media account, si Ivana may kulot na buhok at medyo may kaitiman ang kulay ng balat.

Maraming na-excite at natawa sa pa-teaser ng Star Cinema sa kanilang MMFF entry ngayong taon pero may mga hindi natuwa sa karakter at itsura ni Ivana sa eksena nila ni Vice Ganda.

Sabi ng isang Twitter user sa role ni Ivana, “Pag eto nagkamake over tas naging straight yung buhok… lordddd nagsstart pa lang ako makakita ng maraming tao na inaaccept yung curly hair nila, step backwards na naman po ata ang magaganap.”

Sinagot naman ito agad ni Vice at ni-retweet pa ang post ng netizen,  “Anong mali pag ginusto at pinili ng isang taong kulot ang buhok na ipaunat ang buhok niya? Walang mali sa kulot.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


“At wala ring mali kung gusto niyang ipaunat ito. Ang mali ay ang baluktot ang pananaw mo at nagpapanggap kang tuwid! Ang mali ay ung ang nega nega nega mo!!!!!” mariing pahayag ng TV host-comedian.

Komento pa ng isang netizen, “As a curly-haired morena, I pray na walang part sa movie na gawing katatawanan ang looks ni Ivana. Otherwise, it’s gonna be offensive for me. And disappointing towards Vice Ganda.”

Sagot ni Vice sa kanya, “Makakaasa kang walang ganun.”

Sey naman ng isang Twitter user, “The point kasi meme is Ivana having curly hair then may makeover scene tapos magiging straight yung hair nya. Also, morena pa skin nya.

“For sure after the makeover magiging fairer yung complexion nya portraying na mas maganda yung may fair skin and straight hair,” aniya pa.

“Have you watched the film yet? Girl 4 sequences pa lang nashu-shoot namin. Don’t stress yourself,” ang bwelta sa kanya ni Vice.

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pang pahayag si Ivana sa mga komento ng netizens tungkol sa karakter niya sa movie.

Ang “Partners In Crime” ang magsisilbing comeback film ni Vice sa MMFF makalipas ang dalawang taon. Ito rin ang unang pagkakataon na makakatrabaho niya sa pelikula si Ivana at si Direk Cathy.

https://bandera.inquirer.net/307924/resbak-ni-bea-sa-nagsabing-kulubot-ka-na-para-sa-bago-niyang-project-proud-ako-sa-itsura-ko-at-34-years-old

https://bandera.inquirer.net/316021/bianca-de-vera-nag-iiyak-nang-ma-tow-ang-sasakyan-sa-akin-lang-sana-pinatapos-muna-nilang-ipa-rebond-yung-buhok-ko

https://bandera.inquirer.net/305832/barbie-never-papayag-maging-kabit-at-makasakit-ng-tao-ayoko-kasi-naniniwala-ako-sa-karma

https://bandera.inquirer.net/313522/ang-hirap-maging-magulang-nag-aalala-ako-sa-mundo-ng-disinformation-na-kalalakihan-nila

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending