Madonna nagladlad na sa publiko: ‘I’m gay!’ | Bandera

Madonna nagladlad na sa publiko: ‘I’m gay!’

Pauline del Rosario |October 10,2022
facebook
share this

Madonna nagladlad na sa publiko: ‘I’m gay!’

Pauline del Rosario - October 10, 2022 - 06:08 PM

Madonna

ISANG proud member ng LGBTQIA+ community ang iconic pop star na si Madonna.

‘Yan ay matapos siyang maglantad sa publiko bilang “gay” sa pamamagitan ng isang TikTok post.

Sa nasabing video ay mapapanood na may hawak siyang pink “underwear” na isu-shoot sana sa isang basurahan.

Ibinandera pa niya ang caption na, “If I miss, I’m gay!”

At siyempre bilang proud lesbian, sinadya niya itong hindi ma-shoot at kumindat pa sa ending ng video.

@madonna

♬ original sound – nudy georges

Kamakailan spotted si Madonna na nakikipaghalikan sa Dominican rapper na si Tokischa habang nakaupo sa front row ng “New York Fashion Week.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Madonna (@madonna)

Recently, nagkaroon sila ng collaboration song para sa remix ng 2005 hit song ng iconic singer na pinamagatang “Hung Up.”

Samantala, nahuli ring biglang hinalikan ni Madonna ang ilang kapwa-singer tulad nina Britney Spears at Christina Aguilera habang nasa stage noong 2003 Video Music Awards.

Matatandaang unang nagkaroon ng relasyon si Madonna sa ilang international male artists gaya nina Michael Jackson, Tupac, Vanilla Ice at marami pang iba.

Dalawang beses na rin siyang ikinasal.

Una ay kay Oscar-winning actor Sean Penn noong 1980s at sumunod naman noong 2000 sa direktor na si Guy Ritchie.

May anim din siyang anak na apat dito ay “adopted,” habang ang isa ay anak nila ng aktor na si Carlos Leon at ‘yung isa pa ay anak naman nila ng ex-husband na si Guy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Read more:

Gregg Homan pinilit ni Angelica na magsayaw sa TikTok, hindi nagpatinag: I love you but no

Joshua Garcia pang-international ang dating, Nicki Minaj napa-comment sa kanyang TikTok video

Geneva umalma sa chikang mas kamukha raw si BB Gandanghari sa ‘YFSF’ kesa kay Madonna

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending