Madonna, dyowang si Josh Popper naghiwalay na, anyare?

Madonna, dyowang boxer na si Josh Popper naghiwalay na, anyare?

Pauline del Rosario - May 26, 2024 - 02:55 PM

Madonna, dyowang boxer na si Josh Popper naghiwalay na, anyare?

PHOTO: Instagram/@_joshpopper

NAG-BREAK na ang iconic pop star na si Madonna at ang boyfriend niyang boxer na si Josh Popper.

Ang dahilan, sobrang busy kasi ng batikang singer dulot ng kanyang “The Celebration Tour,” ayon sa report ng The Sun.

“Madonna has barely seen Josh for months because her schedule was so hectic. Things just fizzled out,” sey ng British tabloid newspaper na base sa sinabi ng kanilang source.

Nilinaw rin sa ulat na nanatiling magkaibigan ang dalawa.

“There is genuinely no bad blood—they’re still fond of each other,” wika ng newspaper.

Baka Bet Mo: Manila Luzon proud maging guest sa concert ni Madonna: ‘My supreme idol!’

Dagdag pa ng insider, “At the moment their relationship doesn’t feel feasible and they’ve cooled things off, but they are staying friends.”

As of this writing, wala pang opisyal na pahayag sina Madonna at Josh upang kumpirmahin ito.

Para sa kaalaman ng marami, unang nagkakilala ang mang-aawit at ang boksingero habang tine-training ni Josh ang anak ni Madonna na si David Banda sa isang boxing gym.

February 2023 nang ibandera ng dalawa ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng Instagram.

Ilang buwan ang nakalipas, tila naging malapit na rin ang boxer sa pamilya ni Madonna kung saan ilang beses siyang nakasama sa family gatherings.

Kabilang na riyan ang Portugal trip upang ipagdiwang ang kaarawan ng pop star.

Present din si Josh sa “Celebration Tour” ng veteran singer na ginanap sa Brooklyn noong Disyembre ng nakaraang taon.

Samantala, ang concert tour ni Madonna ay nagsimula noong Oktubre last year at kakatapos lang nitong buwan ng Mayo.

Kung matatandaan, naudlot ang nasabing pagtatanghal ng mang-aawit matapos ma-confine sa Intensive Care Unit (ICU) dahil sa “serious bacterial infection.”

Ang nabanggit na concert tour ay originally naka-schedule ng Hulyo, pero ito ay itinuloy na lamang noong Oktubre.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang “Madonna: The Celebration Tour” ay ang pagdiriwang ng kanyang music career sa loob ng apat na dekada.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending