Batangueño ibang level ang ‘Asoka’ challenge: ‘Winner!’

Batangueño ibang level ang ‘Asoka’ challenge, netizens bumilib: ‘Winner!’

Pauline del Rosario - June 02, 2024 - 06:53 PM

Batangueño ibang level ang ‘Asoka’ challenge, netizens bumilib: ‘Winner!’

PHOTO: Screengrab courtesy of Philip Jose Panganiban Galit

MAY pahabol kami sa nag-trending na “Asoka” Challenge!

Ibang klase kasi ang ipinamalas na talento ni Philip Jose Panganiban Galit, isang netizen mula sa Calatagan, Batangas.

Ito ang tinatawag niyang “Hand Shadow Art” na imbes makeup at makukulay na costumes, ang tanging naging props niya ay kanyang mga kamay at ilaw!

Kakaiba at ibang level ang ipinakita ni Philip dahil biruin mo, parang nanonood ka lang ng isang cartoon show.

Baka Bet Mo: ‘Asoka’ trend ni You Do Note Girl viral, pero dahil sa buhok sa kili-kili?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ace Philip José Galit (@boomshadowace)

Oh ‘diba mga ka-BANDERA, simple lang pero talagang napa-wow niya ang maraming socmed users mula sa iba’t-ibang bansa.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Winner of this trend [trophy emoji] Woo! We deserve this winner”

“You have a lot of time on your hands [raising hands emoji] Love it [fire emoji].”

“This video is amazing [red heart emoji] One of the best creative reel!”

“If playing shadows were a sport, he would be the greatest of all time!”

As of this writing, isang linggo na mula nang ibandera niya sa Instagram ang viral video at umaani na ‘yan ng mahigit 3.5 million likes.

Nakachikahan ng BANDERA si Philip via messenger at naitanong namin sa kanya kung bakit shadow puppet ang naisip niya sa pagkasa sa viral challenge.

“Gusto ko pong i-incorporate at i-showcase ang aking craft dito [sa viral Asoka],” sagot niya sa amin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kwento pa niya, “‘Yun pong sa ‘Asoka’ video ko, Sinuggest po ng partner ko na gawin ko daw po kahit noong una ay ayaw ko po kasi baka po i-bash kasi hindi naman po makeup ‘yung gagawin, pero napilit niya po ako and in just five minutes po pinag-aralan ko lang po ‘yung beat.”

Nabanggit din sa amin ng uploader na libangan lang niya ang Hand Shadow Art noong bata pa siya, hanggang sa napagkakakitaan na niya ito dahil ito na ang naging trabaho niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending