Michael Pacquiao ‘duguang’ nagwagi sa unang laban sa boksing, susunod na nga ba sa yapak ni Pacman?
WAGI sa kauna-unahang amateur boxing si Michael Pacquiao, ang ikalawang anak ng tinaguriang “Pambansang Kamao” at boxing legend na si Manny Pacquiao.
First time sumabak sa boxing fight nitong October 9 si Michael, kung saan nakalaban niya si Nathaniel Ruiz.
Nangyari ito sa BF Parañaque Phase 1 Gymnasium bilang parte ng “Kamao ng Kabataan: Parañaque Edition.”
Sa isang Facebook post, makikita ang full video ng laban ng dalawa na kung saan unang round pa lang ay dumugo na ang ilong ni Michael.
Tila hindi nasindak si Nathaniel sa kanyang kalaban kahit alam niyang anak ito ng boxing icon.
Gayunpaman, kinabiliban pa rin ang tapang ni Michael na hindi tumitigil sa pakikipagbakbakan sa second round.
Nakabawi siya rito ng puntos kahit patuloy na tumutulo ang dugo sa kanyang ilong.
Pagdating naman ng third round ay makikitang medyo dikit na ang laban ng dalawa.
Natapos ang kanilang laban sa ikatlong round at naging unanimous ang pagkapanalo ni Michael.
Maraming netizens ang humanga sa anak ni Pacman at may nagsabi pang manang-mana ito sa kanya.
Ayon sa isang comment, “matapang na bata, mana kay pacman.”
Sey ng isa pa, “Kagalaw ni Manny kanan lng sya.”
Sabi ng isa pang nag-comment, “Magaling… Nasa dugo nga…”
Matatandaang naging usap-usapan din ang panganay na anak ni Pacman na si Jimuel na lumalaban din ng boxing sa Amerika at nag-eensayo sa ilalim ni Freddie Roach sa Wild Card Boxing Gym.
View this post on Instagram
Read more:
SB19 humakot ng trophy sa Myx Music Awards 2021; Ben&Ben, Michael Pacquiao winner din
Jinkee Pacquiao nagpaabot ng tulong para sa pagpapa-dialysis ni Lolit Solis
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.