Misters of Filipinas delegates rumampa sa Philippine Pageant Ball | Bandera

Misters of Filipinas delegates rumampa sa Philippine Pageant Ball

Armin P. Adina - October 10, 2022 - 05:27 PM

Kinilala bilang ‘Best Beauty Pageant Camp’ ang ‘Kagandahang Flores’ ni Rodgil Flores (gitna), na sinamahan ng mga alaga niyang hari at reyna./ARMIN P. ADINA

Kinilala bilang ‘Best Beauty Pageant Camp’ ang ‘Kagandahang Flores’ ni Rodgil Flores (gitna), na sinamahan ng mga alaga niyang hari at reyna./ARMIN P. ADINA

NAGING bongga ang opisyal na pagpapakilala sa 35 kalahok ng 2022 Misters of Filipinas pageant nang rumampa sa isang “red carpet presentation” sa isinagawang Philippine Pageant Ball ng Prime Event Production Philippines (PEPPS) Foundation Inc. sa Manila Hotel noong Okt. 7.

Maliban dito, nakasabay pa nila sa entablado ang mga reigning king na sina Nadim Elzein, 2022 Man of the World second runner-up, at Junichi Yabushita na nagwagi sa male division ng 2022 Runway Model Universe contest.

Muling nagbabalik ang Philippine Pageant Ball, makaraan ang limang-taong paghinga mula sa una nitong edisyon noong 2017. Sinabi ni PEPPS President Carlo Morris Galang na layunin ng ball na tipunin ang lahat ng mga kumikilos sa loob ng makulay na industriya ng pageants, mula sa mga reyna, hari, at dating contestant, hanggang sa mentors, designers, stylists, at media.

Nanawagan din siya ng suporta para sa tauanang pagtitipon, tinukoy ang ibang mas kilalang ball tulad ng ABS-CBN Ball, Sparkle Gala, at ang Mega Fashion Ball. “I hope we will all support this. This is a milestone in pageantry. We only have one goal, and that is to represent the Philippines,” ani Galang.

Si reigning Miss Philippines Earth Jenny Ramp ang ‘Female Star of the Night.’/ARMIN P. ADINA

Si reigning Miss Philippines Earth Jenny Ramp ang ‘Female Star of the Night.’/ARMIN P. ADINA

Nagbigay din ng mga pagkilala ang PEPPS sa Philippine Pageant Ball, kabilang ang “Best Beauty Pageant Camp” sa “Kagandaahng Flores” (KF) ng kilalang queenmaker na si Rodgil Flores, na personal na tinanggap ang pagkilala, kasama ang ilan sa kanyang mga naging alaga.

Alaga ni Flores lahat ng mga Pilipinang nagwagi sa Miss Earth na sina Karla Henry (2008), Jamie Herrell (2014), Angelia Ong (2015), at Karen Ibasco (2017), at maging sina Nguyen Phuong Khanh mula Vietnam noong 2018 at Nelys Pimentel mula Puerto Rico noong 2019.

Nagsanay din sa ilalim ni Flores ang mga Pilipinang reyna ng Miss International na sina Precious Lara Quigaman-Alcaraz (2005) at Bea Rose Santiago (2013), maging ang unang Pilipinang Miss Aura International na si Alexandra Faith Garcia at unang Indonesian na Miss International na si Kevin Liliana.

Tinukoy din ng PEPPS ang ebolusyon ng KF, na dati tumatanggap lang ng mga kandidata sa pageants para sa mga “Miss.” Ngayon, nagsasalang na rin ito ng mga kalahok sa mga patimpalak para sa mga misis, lalaki, bakla, at transgender women.

Tinanggap ni Jojo Bragais ang parangal bilang ‘Best Pageant Shoe Brand.’ /ARMIN P. ADINA

Tinanggap ni Jojo Bragais ang parangal bilang ‘Best Pageant Shoe Brand.’ /ARMIN P. ADINA

Sumailalim sa pagsasanay ng KF ang reigning Miss International Queen na si Fuschia Anne Ravena at reigning Mister Gay World na si Joel Rey Carcasona.

Tinanggap naman ni Jojo Bragais ang parangal bilang “Best Pageant Shoe Brand,” habang ginawad sa Pegarro Swim ni Julius Pegarro Jaguio’s Pegarro Swim ang pagkilala bilang “Best Pageant Swimwear Brand.”

Si Bragais din ang hinirang na “Male Star of the Night,” habang si reigning Miss Philippines Earth Jenny Ramp naman ang “Female Star of the Night.”

Pinarangalan din sa ball ang ilang kawani ng tradisyunal at digital na media, kabilang ang writer na ito na hinirang bilang “Best Newspaper Pageant Correspondent” kasama si Eton Bonifacio Concepcion ng Manila Standard.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sunod na itatanghal ng PEPPS ang 2022 Misters of Filipinas coronation night, at mangyayari ito sa Newport Performing Arts Theater ng Newport World Resorts sa Pasay City sa Okt. 16.

Reigning Misters of Filipinas-Man of the World Nadim Elzein/ARMIN P. ADINA

Reigning Misters of Filipinas-Man of the World Nadim Elzein/ARMIN P. ADINA

Reigning Runway Model Universe winner Junichi Yabushita/ARMIN P. ADINA

Reigning Runway Model Universe winner Junichi Yabushita/ARMIN P. ADINA

Nakasama ng mga kandidato ng 2022 Misters of Filipinas pageant ang reigning national kings./ARMIN P. ADINA

Nakasama ng mga kandidato ng 2022 Misters of Filipinas pageant ang reigning national kings./ARMIN P. ADINA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending