Bb. Pilipinas Gabrielle Basiano handang-handa na sa summer | Bandera

Bb. Pilipinas Gabrielle Basiano handang-handa na sa summer

Armin P. Adina |March 21,2023
facebook
share this

Bb. Pilipinas Gabrielle Basiano handang-handa na sa summer

Armin P. Adina - March 21, 2023 - 06:58 PM

Bb. Pilipinas Intercontinental Gabrielle Basiano is the new ‘Sassa Girl.’/ARMIN P. ADINA

Si Bb. Pilipinas Intercontinental Gabrielle Basiano ang bagong ‘Sassa Girl.’/ARMIN P. ADINA

NGAYONG naghudyat na ang weather bureau ng opisyal na pagsisimula ng tagtuyot, pinagupit na rin ni reigning Binibining Pilipinas Intercontinental Gabrielle Camille Basiano ang mahaba niyang buhok at itinambad ang mas maikling istilo kamakailan.

Nakasuot ng asul na one-piece swimsuit na pinatungan niya ng puting pantalon, rumampa ang Waray na may buhok na hanggang balikat na lang ang haba nang ipakilala siya bilang bagong “Sassa Girl” sa Sassa Summer Fest launch party sa poolside ng Sequoia Hotel Manila Bay sa Parañaque City noong Marso 20.

Sinabi ni Basiano, na nagtapos sa Top 20 ng 2022 Miss Intercontinental pageant sa Egypt, na inaabangan na niya ang pagbabakasyon sa sinilangang lungsod ng ina na Borongan sa Easter Samar. “I used to go there every summer. So, we were really staying in Tacloban City, umuuwi kami talaga sa Borongan para ma-visit iyong side ng mom ko,” ibinahagi niya.

Sakto sa summer ang bahay ng partido ng ina niya sapagkat nakatayo ito mismo sa isang beach. “So talagang nae-enjoy ko ang summer ko doon with my friends and cousins,” ani Basiano, dinagdag na nauuso na rin ang surfing doon ngayon kaya nais niya ring isulong ang turismo sa lungsod.

Sa kaugalian naman ng maraming Pilipina na pagsusuot ng shorts at kamiseta sa beach, sinabi ni Basiano na mahahanap ng sinumang babae ang akmang kasuotan, isang swimsuit na magpaparamdam sa kanila na maganda sila. Dapat munang mahalin nila ang mga sarili nila. “Through that experience other people will appreciate you. Sometimes kahit hindi tayo in perfect form as long as makita ng tao na nae-enjoy mo ang sarili mo, confident ka about yourself, sila din napapasabi ‘ay bagay sa kanya.’ So start within yourself,” ipinaliwanag niya.

Ang kumpiyansa ring ito, idinagdag niya, ang makatutulong kaninuman na maging maganda kahit “lapot na lapot” na ang marami ngayong tag-init. “It’s confidence na magdadala sa’yo sa pinaka-best version ng sarili mo. Kasi sometimes kapag nagwo-worry kayo iyong tao rin naiisip na ‘ay hindi yata siya confident sa sarili niya.’ Doon nila mano-notice iyon. Not unless you’re confident with yourself, masasabi ‘itong babaeng ito, kahit anong shape ng katawan niya she’s confident, she’s enjoying her body, she’s accepted it,’” dinagdag ni Basiano.

Nagbahagi rin ng styling hack ang reyna ngayong summer, ang mismong pantalong suot niya sa pagtitipon. “Kasi wherever I go, for example magpupunta kami sa isang island, mayroon akong swimsuit. Hindi pwedeng mawala itong pants for coverup. Masyadong maaga pa, hindi pa ‘swimwuit competition,’ mag-coverup na muna. Kahit nandoon sa beach kapag sinabing ‘tara kain na tayo,’ you can eat na may suot kang something,” paglalahad niya.

At dahil magtatapos na ang mga araw niya bilang reyna ng Bb. Pilipinas, sinabi ni Basiano na maglalaan din siya ng panahon upang paghandaan ang farewell message niya kapag nagpaalam na siya sa korona niya. May mga tungkulin pa rin siyang kailangang gampanan habang papatapos ang pagrereyna niya, aniya.

Magpapahinga rin umano siya sa pageants pagkatapos makoronahan ang mga bagong reyna. “Kasi I’ve been a candidate for a long time. After my competition in Egypt doon ko nasabing ‘okay magpapahinga muna ako ngayon,’” aniya.

“Then let’s see if I would still want to join next time. I’m not closing my doors,” pahayag ni Basiano.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending